^

PSN Showbiz

Kapamilya Stars naghahanda na, ABS-CBN Ball dedicated sa Bantay Bata Village

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya Stars naghahanda na, ABS-CBN Ball dedicated sa Bantay Bata Village
Sarah at Coco

MANILA, Philippines — Sunud-sunod na ang napapabalitang paghahanda ng mga Kapamilya star na kumpirmadong dadalo sa ABS-CBN Ball 2018 upang ipagdiwang ang pagkakaibigan at pagsasama-sama na gaganapin sa Setyembre 29.

Higit isang linggo bago ang pinakahihintay na celebrity fashion event ng taon, inihayag na nina Coco Martin, Anne Curtis, Karla Estrada, at Vice Ganda ang kanilang excitement sa pagdalo sa naturang event.

Marami namang fans ang nag-aabang sa pagtitipon-tipon dito ng mga pinakamainit na love team sa bansa, kabilang na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, at Nadine Lustre at James Reid.

Nagdagdag pa ng excitement sa kanilang mga tagahanga ang balita ni Matteo Guidicelli na inimbitahan niya ang girlfriend na si Sarah Geronimo bilang date sa ball. 

Mas magiging espesyal din ang ABS-CBN Ball dahil sisimulan nito ang isang tradisyon ng pagmamahal, pasasalamat, at pagkakaisa. At siyempre inaabangan din ang mga susuutin ng Kapamilya stars na first time ngang mangyayari na magsasama-sama silang lahat.

Dating Star Magic Ball ang ABS-CBN Ball. At noon never naka-attend sa nasabing ball ang mga Kapamilya star na taga-Viva like JaDine.

Maging ang mga veteran stars ay importante rin daw sa nasabing event dahil gustong makilala at mapalapit sa mga beterano ang bagong president ng Kapamilya network na si Mr. Mark Lopez.

Anyway, sa ABS-CBN Ball 2018, ilulunsad ang kampanyang pagtulong sa muling pagbubukas ng Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong Disyembre.

Layunin ng ABS-CBN Ball na makatulong sa pangangalaga ng mga batang dumanas ng pang-aabuso o kapabayaan sa pamamagitan ng Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, na siyang magsisilbing tahanan at magbibigay ng agarang kalinga sa kanila.

Tinutulungan nitong gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang ma­dilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga sa isang lugar kung saan mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya.

Sa mas pinagandang pasilidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng komunidad.

Sa naturang complex, nakaantabay sa mga bata ang mga social worker, health care professional, at house parent. Laman din nito ang meditation room, music room, arts and crafts room, library, at cottages, kung saan nakatira ang mga bata.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills upang maging handa silang maging parte uli ng lipunan mula pagluluto hanggang pagnenegosyo tulad ng batang si Len na inaabuso ng kanyang mga kamag-anak. Hindi niya kilala ang nanay niya, nabiktima rin ng pang-aabuso. Wala siyang itinuturing na pamilya pero sa pamamagitan ng Bantay Bata 163, nabigyan siya ng tahanan at naka­dama ng kalinga sa Children’s Village.

Ngayon, patapos na ang pag-aaral ni Len para maging guro sa pamamagitan ng scholarship mula sa Bantay Bata 163. Nais niyang mabuhay nang mapayapa at masaya at makatulong sa mga batang tulad niya.

Ayon kay Estrelita Turingan mula sa DSWD-NCR, malaki ang kontribusyon ng Bantay Bata 163 sa pagbangon ng mga bata.

 Para sa impormasyon tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @abscbnfoundationkapamilya sa Facebook. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abscbnpr.com.

KAPAMILYA STARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with