Andi bumuwelta sa mga namimintas sa bagong hitsura
MANILA, Philippines — Hindi pinalampas ni Andi Eigenman ang ilang namimintas sa kanya ngayon.
Sinagot-sagot niya talaga sa kanyang Instagram account ang mga pumupuna kung bakit ganun na ang hitsura niya.
Medyo sunog na nga raw ang balat ng aktres, ang hair hindi na ganun ka-shinny at hindi na rin perfect ang kurba ng katawan. “Because? It saddens me how there are people as shallow as you who think that it’s a waste to focus on more important things than the way we look, i.e. living a fulfilling life of joy and positivity.”
“May you find that somewhere in your personal journey through life.”
Namumuhay tulad sa isang ordinary ang actress sa kasalukuyan at babad siya sa dagat bilang nakatira na nga siya sa Baler kaya naman ganun na si Andi.
Boyfriend niya sa kasalukuyan ang surfing champion na si Philmar Alipayo.
Wala nga namang masama.
- Latest