^

PSN Showbiz

ToFarm Filmfest nagkakagulo na?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos lumabas ang isyung nagkasigawan sina direk Bibeth Orteza at ang tinuturing na Mother ng ToFarm Film Festival na si Dra. Milagros How, nagbitiw na rin pala si direk Bibeth bilang Festival Director ng ToFarm.

Kahapon lang nakarating sa amin ang balitang ito na tinapos na lang daw ni direk Bibeth nang maayos ang 3rd ToFarm Filmfest para na lang sa namayapang si direk Maryo J.delos Reyes.

Nilinaw din ni direk Bibeth na wala raw kinalaman yung shouting incident sa awards night ng ToFarm nung nakaraang Sabado, September 15.

Gusto na lang daw niyang mag-focus sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) bilang isa sa mga board members, at sa kanyang pagsusulat.

Tama ngang tinapos na lang ito ni direk Bibeth alang-alang kay direk Maryo na sinasabi raw sa kanya noon na kailangang maging bahagi siya ng naturang festival.

Wala pa kaming alam kung ano naman ang desisyon ni direk Joey Romero na festival director din sa ToFarm.

Hindi naman natin alam kung meron pang ToFarm sa susunod na taon, at kung sino ang hahawak nito.

Sinubukan nga naming hingan ng reaksyon si Dra. How, pero nag-text lang siya sa amin na hindi raw totoo ‘yung nagkasigawan sila ni direk Bibeth.

Kinulit uli namin kung puwedeng mahingan siya ng statement kaugnay sa pagbitiw ni direk Bibeth.

Nag-text lang siya sa amin na iyun lang daw ang puwede niyang sabihin.

Heto ang kabuuang text sa amin ni Dra. Milagros How; “Sorry dear. I’m not used to this kind of interview. Politely I beg off from saying more. But I want to say—I never shouted, nor lost my temper, but I do get disappointed oftentimes, esp because I want everything to be perfect.

“I’m used to big events like this. I have at least 8 big events of this size very year. I do get exhausted, it’s normal and I’m only human. But I never shout especially not in front of my 80 farmers who were my special guests who came from different provinces to watch the event.”

Wala naman siyang nabanggit tungkol sa pag-resign ni direk Bibeth.

Humingi siya ng paumanhin na wala raw siyang sasagutin kung magtatanong pa ako uli. Kaya hindi na namin siya uli tinext.

Lani naka-relate sa kapalaran ni Luigi

Touching ang interview nina Mayor Lani Mercado kasama sina Vice Governor Jolo Revilla, Bryan at Luigi Revilla sa isang episode ng Magandang Buhay na tinape nila kahapon.

Bahagi ito ng promo ng pelikula nilang Tres na magsu-showing na sa October 3.

Touching ang bahagi nang napag-usapan kung paano tinanggap ni Mayor Lani si Luigi at tinuring na bahagi ng pamilya.

Si Jolo ang nagkuwento nang nangyari sa Boracay na kung saan doon nagkita sina Sen. Bong Revilla at Luigi.

Kasama raw kasi si Jolo  nung nagkita ang mag-ama na kung saan nagkaiyakan sila, at pati si Jolo ay naiyak na rin daw.

Sabi nga ni Luigi nung tinanong ito sa kanya sa presscon;

“I think it’s God’s plan na eh na nagkita kami sa Boracay. Kasi, parang sobrang coincidence lang na nagkita kami dun. So, dahil dun sa Boracay trip na yun, naging close kami.

“Kung hindi nangyari yun, hindi ako nandito ngayon.

“So, sobrang blessed. They don’t treat me like a half brother…hindi ko talaga ma-explain dahil sobrang close nila sa akin, especially si Tita Lani.”

Sinabi naman ni Mayor Lani na mahal niya si Luigi at tinuring na rin niyang anak. Pero siyempre nandiyan daw ang tunay na Mama ni Luigi na siyang nagpalaki sa kanya.

Sabi ni Mayor Lani, naka-relate daw kasi siya kay Luigi dahil anak raw siya sa second family na kung saan tinanggap din siya ng first family ng Daddy niya. Wala naman daw kasalanan ang bata, kaya tinanggap niya si Luigi.

Pero natawa na lang sila nang humirit si Mayor Lani na sana hanggang kay Luigi lang daw. 

“I love Tita Lani. I see her as my second mom, and my mom and her are okay also.

“I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family, and ngayon sobrang closed kami,” dagdag na paha­yag ni Luigi.

Samantala, todo ang suporta ng mga kabarkada ng tatlong bida ng Tres.

Marami na raw nag-commit at nagpa-schedule ng block screening ng Tres bilang suporta nila sa Revilla brothers.

TOFARM FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with