^

PSN Showbiz

Sen. Bong hinahanap sa Peñafrancia Festival

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sa pangalawang taon ay nakadalo ako sa Peñafrancia Festival sa Naga City na talagang dinagsa nang napakaraming tao.

Mabuti at hindi gaanong naapektuhan ng bagyong Ompong ang Camarines Sur kaya marami pa ring dumagsa kahit may flights na na-cancel.

Pinaka-highlight ng festival ang fluvial procession na kung saan doon namin nalamang hindi pala puwede ang babae sumakay sa banca na sinasakyan ng Ina, kaya nung nakita namin doon si VP Leni Robredo, tinanong namin siya bakit hindi siya nakasakay kasama ang Ina. “Ayaw ng Ina,” bulalas ni VP Leni. “Gusto niya siya lang ang babaeng nakasakay,” sabi pa niya.

Iyun kasi ang paniniwala ng mga taga-roon na kapag may babaeng nakasama sa fluvial procession, may nangyayaring sakuna. Kaya strictly mga lalaki lang talaga ang puwedeng sumakay.

Doon nabanggit ni VP Leni na na-miss niya ang dating Sen. Bong Revilla dahil talagang present daw ang dating Senador tuwing Peñafrancia Festival. Kilala na nga raw si Sen. Bong ng mga pari sa Bicol dahil debosyon na niya ang pagpunta sa naturang festival at tumutulong ito sa pagbuhat sa Mahal na Ina na dinadala sa Andas.

Nung na-detain na si Sen. Bong nung 2014, si Mayor Lani Mercado na raw ang tumutuloy o kaya si Vice Governor Jolo Revilla.

Hinanap nga raw niya ngayon si Mayor Lani o kahit si Jolo, dahil kailangang itutuloy daw nila ang panata ng namayapa nilang ina.

Aware nga siyang malapit na ang birthday ni Sen, Bong kaya nagparating siya ng mensahe sa nakadetineng senador.

Ani VP Leni; “Happy birthday Sen. Bong. Natutuwa kami sa debosyon mo kay Ina na pinagpatuloy mo ang debosyon mo ng Nanay mo. Hinahanap ka rin ng tao dito kasi nasanay na sila na nakikita. Pero ano…kahit hindi ka nakapunta dito, ipinapaabot namin sa iyo ang maligayang kaarawan.”

Bago kami umalis ay nagbilin naman si Sen. Bong ipagsindi namin siya ng pitong kandila, dahil iyun ang madalas niyang sinisindi tuwing nagsisimba siya.

VP Leni pumiyok sa pagtakbo ni Dingdong sa 2019

Hindi na rin nakaligtas si VP Leni sa tanong namin tungkol sa pagtakbo ni Dingdong Dantes sa darating na eleksyon.

Gusto raw talaga nilang tumakbo ang GMA Primetime King sa ilalim ng kanilang partido, pero parang hindi pa raw ito nakapag-decide.

Hindi raw niya alam kung anong posisyon na nga ba ang tatakbuhin ni Dingdong.

Isa raw si Dingdong na dapat talagang maging public servant dahil magmula nung bagets pa raw ang aktor, nandiyan na ang hangad nitong makatulong.

“Tumutulong siya very quietly. Nung kampanya ko nung 2016, very selfless sa oras. Hindi mo na kailangang makiusap, sasabihin mo lang nandiyan siya. Never nagbilang ng pagod niya, ng oras na ginugol.

“Klaro sa kanya ‘yung tama at mali eh.

“Mas mahalaga sa kanya parati ang family at paninilbihan sa mga kababayan. Kaya inimbitahan namin siya to take a more active part.

“Sa tingin namin malaking contribution kapag mag-desisyon siya. Pero alam namin na kahit anong desisyon niya, parati naman niya pipilitin niya kung saan siya makakatulong ng mas malaki. May tiwala naman tayo sa wisdom ni Dingdong. Alam naman natin na ang parati niyang piliin ay yung paninilbihan sa ordinaryong Pilipino,” pahayag ni VP Leni.

Digong expected sa kasal  nina Aljur at Kylie

Isa rin sa pinag-uusapan ay ang balak na pagpapakasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Isa sa reliable source na napagtanungan namin,  November daw ang gusto nilang gawin. Pero hintayin na lang daw ang engagement party dahil ia-an­noun­ce kung kailan ang kasalan.

Sabi pa ng isang napagtanungan namin, sana raw huwag lang mahaluan ng pulitika.

Hindi kaya isa sa mga ninong si Pangulong Digong Duterte na malapit din kay Robin Padilla na ama ni Kylie?

Sana raw matuloy talaga ang November na original plan, dahil  hindi pa raw talaga nila ma-finalize dahil marami pa kailangang i-consider.

PEñAFRANCIA FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with