UKG naghahanap ng Kusireyna
Bumidang muli ang mga maalaga at madiskarteng nanay sa Umagang Kay Ganda sa paglulunsad ng search para sa KusiReyna 2018 kahapon.
Sa darating na linggo magsisimula na ang tagisan ng talino at galing sa pagluluto sa studio, kasama ang UKG barkada na sina Anthony Taberna, Amy Perez, Jorge Carino, Gretchen Ho, Ariel Ureta, Jeff Canoy, at Winnie Cordero.
Tulad ng sa Nanay Kong Kay Ganda noong 2017, naglalakihang premyo rin ang naghihintay para sa tatanghaling KusiReyna 2018, kabilang ang lupa’t bahay mula sa Lumina Homes.
Nagsimula nang mag-ikot ang morning show sa iba-ibang pook at probinsya sa bansa upang tikman ang mga putaheng hinanda ng mga nais maging unang KusiReyna. Dito nakasama pa nila ang mga eksperto sa pagluluto tulad nina celebrity Chef Tatung Sarthou, Bagoong Club executive chef Tristan Bayani, at Kapampangan cooking expert Lillian Borromeo bilang mga hurado.
Samantala, patuloy na naglilingkod ang UKG sa pamamagitan ng Nanay Convention (NanayCon), kung saan nilibot ng UKG barkada ang iba’t ibang barangay sa bansa para maghatid ng serbisyo, at bigyang suporta ang mga nanay. Ngayong taon, bumisita na ang NanayCon sa San Jose Del Monte sa Bulacan at Cebu, kung saan nakasama pa sina Renz Verano, Bryan Termulo, and Boyfie ng Bayan Marlo Mortel. Tutungo rin ito ng Mindanao sa darating na Setyembre 24 upang magpasaya sa pamamagitan ng Zumba, cooking demo, libreng gupit pampaganda, mga seminar tungkol sa pagnenegosyo, at mga premyo.
- Latest