^

PSN Showbiz

OPM icons bida sa musical show ng net 25

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiyak na makaka-relate na naman ang mga Pinoy sa classic Filipino music na handog ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) sa bago nitong musical show, ang Young Once (Upon a Time) na nagsimula na noong ika-26 ng Agosto sa NET 25.

Maririnig din ang nasabing musical show sa Pinas FM ng EBC, ang kaisa-isang FM station na tanging 100 percent Original Pinoy Music (OPM) hits lamang ang pinapatugtog.

Isa itong palabas para sa mga ‘young at heart’ at para rin sa mga kabataan ng ating henerasyon.

Mapapanood ito tuwing linggo, 8pm, kasama ang mga original artists na magpe-perform ng 60’s hanggang 90’s na Pinoy music.

Hosted by Anthony Castelo, Eva Vivar at Darius Razon na nagpasikat ng mga kantang Nang Dahil Sa Pag-ibig, Mr. Love at Everybody Knows, ang Young Once ay special project ng NET 25 at may layunin itong i-promote ang OPM at bigyang pagkilala ang mga magagaling na Filipino composers at si­ngers sa ‘Pinas.

“Finally, there is a show like this na talagang OPM. Matagal na matagal na dapat na merong ganyan,” natutuwang pahayag ng Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corales.

Kasama si Pilita sa mga magiging guests ng nasabing show, ilan pa rito ay sina Mike Hanopol, Heber Bartolome, Jun Polistico, Noel Caba­ngon, Claire De la Fuente, Imelda Papin, Eva Eugenio, Pinky Marquez, Malu Barry, Cynthia Garcia, Lolita Carbon of ASIN, Coritha, Bayang Barrios, Marco Sison, Chad Borja, Richard Reynoso, Boyfriend’s Joey Abando, Alon, Renz Verano, Zander Khan and ‘60s and ‘70s idols na sina Perla Adea, Romy Mallari, Tessie Lagman, Dolly Favo­rito, Raquel Monteza, Danny Cruz, Efren Montes, Mabuhay Singers at Victor Wood.

EAGLE BROADCASTING CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with