^

PSN Showbiz

Restaging ng M Butterfly, R-18

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Restaging   ng M Butterfly, R-18
M Butterfly

Kikitain diretso sa kawanggawa

Wow nakaka-excite panoorin ang re-staging ng award-winning stage play na M Butterfly.

Ang M Butterfly na nanalong Best Play sa Tony Awards na sinulat ni David Henry Hwang ay nakatakdang mapanood simula September 13 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Center at pagbibidahan ng actor/director na si RS Francisco.

Producers ang Tony and Grammy award winning producer Jhett Tolentino with RS Francisco under Frontrow Entertainment (na producer din ng mga pelikulang Bhoy Intsik and Bwaya). Directed by another award-winning Kanakan Balintagos.

Isang classic drama ang M Butterfly inspired by Giaccomo Puccini’s opera na Madame Butterfly base sa naganap na espionage trial noong 1986 ng isang mysterious Chinese opera singer and French diplomat.

Si Rene Gallimard ay member ng French embassy in China na mild mannered at kino-consider ang sarili na mahina sa babae. Hanggang nakilala niya at na-in love sa isang Chinese opera singer star Song Liling, na ang pagkakakilala niya ay isang perfect woman, Madame Butterfly.

Hindi ito ang unang pagkakataon na gaganap na M Butterfly si RS.  Noong 1990, RS essayed this role para sa Dulaang UP opposite veteran actor, writer and critic Behn Cervates, na tumanggap ng maraming papuri bukod sa pagiging box office hit nito. In fact, sa sobrang successful, nagkaroon pa ito ng extended runs at tours to key cities ng bansa kaya’t tumatak na ito sa Philippine theater history.

Ayon kay RS, ibang approach ang magiging portrayal niya kay Song Liling, ang Chinese opera singer na naging object of affection ng French ambassador sa China and seduces him through his biases of the East then exploits their intimacy to collect classified information for agents of the Chinese Communist Party.

Ang French actor na si Olivier Borten ang gaganap na Rene Gallimard.

Ang theater actress naman si Pinky Amador ng Miss Saigon and gaganap na misis ng French ambassador na si Helga.

Pawang mga bigatin pa ang ibang mga kasama sa restaging ng M Butterfly Manila including Scottish stage actor Norm McLeod na first time tumapak ng bansa. Kasama rin sa palabas ang mister ni Pokwang na si Lee O’Brian at marami pang iba.

One hundred percent non profit ang M Butterfly Manila. Ang proceeds sa bawat performance ay didiretso sa isang charitable institution or organization geared toward education and the arts. Aabot sa 20 beneficiaries ang pinili ng production na tutulungan sa bawat performance.

So far, five nights na ang sold out ayon kay RS sa presscon kahapon with Jhett Tolentino (Grammy and Tony awardee).

Mapapanood ito from September 13 to 30 sa Maybank Theater. For tickets please call Ticketworld at 8919999.

Nag-implement sila ng self regulation dahil sa ilang delicate part ng stage play – R -18.

Nagkaroon na rin ng pelikula ang M. Butterfly. At iba’t iba ang version nito.  At last year lang nang mapanood ito Broadway.

Hindi naluluma ang story nito dahil marami pa rin nangyayaring ganito hanggang sa kasalukuyan.

Bahagi ng restaging ng auction ng kuha ng master photographers na sina Jun de Leon, Mandy Navasero, Manny Librodo, Raymund Isaac, BJ Pascual and Patrick Uy.

M BUTTERFLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with