^

PSN Showbiz

Regine ayaw tantanan sa paglipat sa Kapamilya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Regine ayaw tantanan sa paglipat sa Kapamilya
Regine

PIK: Hindi pa rin mawala-wala ang isyung paglipat daw ni Regine Velasquez sa ABC-CBN 2 pagkatapos daw ng The Clash.

Wala pang nagsalita sa GMA 7 kaugnay sa isyung ito dahil may Sarap Diva pa ang Asia’s Songbird at nag-i-enjoy naman siya sa The Clash na mas matindi na ang bakbakan.

Kagabi nga ay apat na pares ang nagbakbakan na kung saan ang nanalong pares ay bumalik na sa kanilang upuan. Pero ang di nanalong pares ay naglaban na ng tapatan.

PAK: Successful ang 30th anniversary concert ni Ogie Alcasid na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi.

Halos puno ang buong Araneta pero mabilis palang naubos ang bandang baba na puwesto na kung saan mas mahal ang ticket. Obvious na professionals at madadatung talaga ang mga supporters ng singer/songwriter.

Pinakakuwela sa amin ang number nila ni Vice Ganda na kung saan bentang-benta pa rin ang mga patawa ni Vice, pero pinakanta siya ka-duet si Ogie nang seryosong kantang Kung Mawawala Ka at Huwag Ka Lang Mawawala.

Hindi napigilan ni Regine na maging emotional nang kinanta nila ang isang praise song. Pero agree kaming lahat sa sinabi ni Regine na hindi madamot si Ogie sa mga kanta niya.

Lahat ay binibigyan niya, ginagawan niya ng kanta kapag kailangan nila ito.

Naalala ko pa nung may Startalk kami na kapag gusto naming gamitin ang kanta ni Ogie sa isang kuwento, ang bilis naming magpaalam through his manager Leo Dominguez at hindi ito naniningil. May ilang singers kasi na talagang OA ang pagsingil sa mga kanta nila.

Kaya naman ganun na lang ka-proud si Regine sa kanya.

BOOM: Boom na boom talaga ang pagpasok ni Atom Araullo sa 24 Oras nung nakaraang Biyernes, August 24.

Dapat pala ay mag-promote lang nung Biyernes ang guwapong newscaster para sa kanyang The Atom Araullo Specials na mapapanood ngayong araw, at bukas na sana siya magsisimula para mag-pinch hit kay Mike Enriquez na on leave. Pero absent pala si Mel kaya pinagsimula na siya kasama sina Vicky Morales, Ivan Mayrina at Heart Evangelista.

Kinilig nga raw ang mga kababaihan at kabadi­ngan na rin doon sa GMA nang nakita nilang si Atom na ang nakatayo para magbato ng news.

Kaya sabi ng mga nakapanood, nakaka-fresh at parang ang gaan panoorin kapag ganung magagan­dang mukha ang nagbibigay ng mga mabibigat at kalunus-lunos na balita.

Sabi ni Atom, kahit mag-pinch hit siya kay Mike, tuloy pa rin daw siya sa paggawa ng mga documentary dahil iba raw talaga kapag ikaw mismo ang nagku-cover sa labas at gumagawa ng mga balita.

REGINE VELASQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with