Billy matagal nang gustong mamahinga
PIK: Ang saya ni Mother Lily sa pa-victory party niya para sa dalawang pelikula niyang Unli Life at Signal Rock na kasali sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino.
Happy siya sa magandang box-office results ng Unli Life na ang latest na nakuha naming box-office results, naka-more than 40-M na ito.
Kaya tiyak na may kasunod daw na movie project for Vhong Navarro.
Ang Signal Rock naman na napiling Critic’s Choice at binigyan din ng Special Jury for Outstanding in Acting ng bidang si Christian Bables.
Tuwang-tuwa nga si Christian, dahil pagkatapos daw ng Signal Rock, lalong dumami raw ang offer sa kanya. Pero bahala na raw ang Asian Artists Agency ni Kuya Boy Abunda ang mag-handle ng mga inaalok sa kanya.
Sa kabila ng success ng dalawang pelikulang ito, inamin din sa amin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño na hindi raw na-meet ang ini-expect nila ngayong taong PPP.
Isa raw sa na-realize niya ay pang-estudyante, millennials daw ang PPP, kaya kailangan mag-adjust daw sa presyo ng ticket na kaya ng mga bata.
Isa ito sa pag-aaralan nila sa susunod na PPP. Definitely, there will be a PPP 2019 daw na aabangan natin.
PAK: Doon din sa victory party ng Regal ay nilinaw ni Vhong Navarro ang isyung hindi raw iniwan ni Billy Crawford ang It’s Showtime.
“Nag-leave lang siya,” pakli ng comedian/TV host.
“Ang dami niya kasing gustong gawin. Kaya ang hirap kung pagsabayin niya ang Showtime tapos yung buhay may-asawa, ang bago niyang show, may album pa. Kaya binigay na muna sa kanya.
“Ang tagal na niyang gustong gawin tapos hindi niya magagawa kasi ang dami niyang sked. Tapusin niya muna yun.
“Hindi pa niya nasabi kung kailan siya makakabalik,” dagdag niyang pahayag.
Wala raw talagang isyu sa pansamantalang pagkawala ni Billy, pero sure daw siyang babalik ito.
BOOM: Ayaw na ni Kyline Alcantara na palakihin pa ang isyu nang nangyaring pambabastos ng ilang fans habang nagpi-perform siya sa Regional show ng GMA 7 sa Iloilo nung nakaraang Linggo, August 19.
Pero sabi niya sa kanyang tweet nung araw na iyun; “Sorry, I cried in the middle of my performance. Sorry, kung may negativity na pumasok dun sa stage while I’m performing. I’m sorry. All I want is to spread positivity sa lahat. Pero, nakakabastos lang.”
Ang kuwentong nasagap namin, fans daw ni Bianca Umali ang nagta-thumbs down kay Kyline habang kumakanta ito. Kaya napaiyak ang Kapuso young actress.
Totoo kayang mga kasama pa raw iyun ni Bianca na lumipad mula Maynila?
Nang nakausap namin si Kyline sa radio program naming Showbiz Talk Ganern kamakalawa ng gabi, nakiusap siyang huwag nang palakihin pa iyun. Mas gusto raw niyang positivity na lang ang pairalin.
Mas gusto raw niyang mag-focus na lang sa nalalapit niyang concert, ang Kyline Take Fl16ht sa September 8 na gaganapin sa SM Skydome.
- Latest