Sarah pang-award ang acting sa Miss Granny!
Happy ang mga nag-attend sa premiere night ng Miss Granny noong Lunes dahil entertaining ang pelikula at ang husay-husay ng performance ni Sarah Geronimo.
Ang Miss Granny ang Pinoy adaptation ng Korean hit movie na same title rin at kahit remake ang pelikula ni Sarah, confident ang Viva Films bosses na magugustuhan at tatangkilikin ng moviegoers ang latest project ng singer-actress.
Positive ang mga feedback at bongga ang reviews sa Miss Granny. Hindi nagkamali si Sarah na gawin ang pelikula dahil tailor-made sa kanya ang karakter ni Aling Fely aka Audrey.
Ang sabi ng mga eyewitness, pinalakpakan ng audience ang mga eksena ni Sarah at ang mga song number niya dahil very effective actress siya.
Kasama ni Sarah sa umapir sa premiere ng Miss Granny ang kanyang nanay na si Divine na sure ako na proud na proud sa anak niya na marami nang napatunayan sa pagkanta at pag-arte.
Nagkakaisa ang mga invited guest sa red carpet premiere ng Miss Granny na malaki ang tsansa ni Sarah na magkaroon ng mga acting nomination sa susunod na taon mula sa iba’t-ibang mga award giving body dahil sa outstanding performance niya sa pelikula.
Sa dami ng mga positive feedback na naririnig ko, hindi ako magugulat kapag nanalo si Sarah ng award dahil sa wacky and moving acting niya sa Miss Granny.
Boboy suwerteng manliligaw ni Aling Fely
Lucky din si Boboy Garovillo dahil malaki ang role niya sa Miss Granny bilang admirer ni Aling Fely, ang karakter na buong husay rin na ginampanan ng classmate ko na si Nova Villa.
Mula umpisa hanggang ending ang participation ni Boboy sa Miss Granny. Magaling na singer at dating member ng Apo Hiking Society si Boboy pero mas kilala na siya ngayon na magaling na character actor.
Naging close sina Sarah at Boboy sa set ng Miss Granny dahil sila ang madalas na magkasama sa mga eksena.
Sen. JV pangarap magka-train na magkokonek sa airport
Mahaba ang kuwentuhan namin ni Senator JV Ejercito noong Lunes kaya hindi na ako nakasaglit sa presscon ng Manila Philharmonic Orchestra para kay Lani Misalucha na hindi rin nakarating dahil isang araw na stranded sa airport ng Davao City.
Hindi nag-iisa si Lani dahil gaya niya, stranded din ng 20-hours sa Davao City airport si Papa JV na walang nagawa kundi intindihin ang sitwasyon dahil isinara ang runway ng Ninoy Aquino International Airport nang mag-crash noong Huwebes ng gabi ang isang eroplano.
Ang kalbaryo ng libo-libong mga pasahero sa NAIA ang dahilan kaya lalong sineseryoso ni Papa JV ang advocacy nito na ayusin ng pamahalaan ang train at airport system sa ating bansa.
Agree ako sa mga suggestion ni Papa JV dahil malaking tulong ang mga train para mabawasan ang trapik sa Metro Manila.
Kailangan lang talaga na ayusin ng Duterte administration ang train system na pinabayaan ng mga nakaraan na administrasyon.
Wish ko lang, magkaroon ng katuparan sa lalong madaling panahon ang pangarap ni Papa JV na magkaroon ng train na magdurugtong sa Maynila at sa Clark International Airport.
Inggit na inggit si Papa JV sa Malaysia dahil sa maayos na train system ng bansa. Nang magkita kami ni Papa JV sa Kuala Lumpur noong July para sa laban ni Senator Manny Pacquiao, enjoy na enjoy siya sa pagkukuwento tungkol sa kanyang pagsakay sa mga train kaya walang problema sa trapik ang Malaysia na pangarap niya na mangyari sa Pilipinas at maranasan ng mga suffering Pinoy.
- Latest