^

PSN Showbiz

Direk Joyce si Sarah lang ang naisip na Miss Granny

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Joyce si Sarah lang  ang naisip na Miss Granny
Direk Joyce Bernal

Ogie kinokondisyon ang katawan sa OA!

PIK: Dinagsa ng fans ang premiere night ng Miss Granny na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi.

Ngayong araw na ang showing nito na inaasahang susuportahan ng fans nina Sarah Geronimo, James Reid at Xian Lim.

Very positive raw ang pelikulang ito, dahil nung ginagawa pa lang nila, talagang in-enjoy daw nila dahil walang ka-pressure pressure si direk Joyce Bernal.

“It was really a fun set. It was a good time working with direk Joyce eh,” sabi ni James.

Sabi naman ni direk Joyce, hindi raw niya gagawin itong pelikula  kung hindi si Sarah ang gaganap, dahil perfect daw siya sa role.

“Kahit ako naman po, hindi ko rin gagawin kung hindi si direk Joyce ang magdidirek kasi nasa isip ko na dapat siya ang gagawa nito,” pakli ni Sarah.

“Proud naman ako dito sa Miss Granny, kasi napakaganda naman talaga ng pelikula. Para ito sa mga grandparents natin. Huwag po nating kalimutan ang pinanggalingan natin, kahit may kanya-kanya na tayong buhay,” dagdag na pahayag ni Sarah.

PAK: Dumating na ang mag-inang Michelle Van Eimeren at ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Leila para sa OA 30th Anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Biyernes, August 24.

Matindi ang paghahanda ni Ogie sa kanyang 30th anniversary concert kaya dapat talaga ay okay na okay siya, na walang sakit.

Kaya nga hindi sila nakadalo ni Regine sa 80th birthday ni Mother Lily Monteverde, dahil medyo masama raw ang pakiramdam niya, kailangan niya talagang magpahinga para kundisyon na kundisyon siya sa nalalapit niyang concert.

Ilan sa mga aabangan sa concert na ito ay siyempre ang Pangarap Ko ang Ibigin ka nila ni Regine Velasquez na kung saan isa ito sa mga magagandang awiting ginawa niya para sa kanyang asawa.

Dumating na rin ang isa pa nilang anak ni Michelle na si Sarah na magiging bahagi rin sa naturang concert.

Kaabang-abang din ang medley at may konting mash-up nila ni Vice Ganda na Kung Mawawala Ka at Huwag Ka Lang Mawawala.

Bongga rin ang gagawin niya kasama sina Moira dela Torre at Yeng Constantino ng mga awitin nilang Ikaw Lamang, Ikaw, Tadhana at Kahit Maputi na ang Buhok Ko.

Tiyak na riot at kuwela itong Korean number nila ni Michael V, bilang si Bansot Me siya at isang Korean character naman si Bitoy.

Pati ang ginagawa nila dati ni Janno Gibbs na OJ ay isa rin sa aabangan sa concert na iyun.

BOOM: May ilan pa ring mga artistang naapektuhan nang husto sa gulo dahil sa pagkasadsad ng Xiamen Airlines sa ating paliparan.

Nung nakaraang weekend ay hindi natuloy sina Winwyn Marquez at Benjamin Alves sa Davao nung nakaraang Sabado, dahil nga sa na-cancel ang flight nila.

Mabuti raw ang nakalusot si Alden Richards dahil natuloy ang flight niya, kaya nakapag-promote siya ng Victor Magtanggol sa Kadayawan Festival.

Hanggang nung Lunes, August 20 ay hindi rin nakabalik si Lani Misalucha galing Davao, kaya hindi na siya nakadalo sa presscon ng 20thanniversary concert ng The Manila Philharmonic Orchestra na kung saan special guest siya, na gaganapin sa Nicanor Abelardo Theater ng CCP sa September 1.

Pati si Sen. JV Ejercito ay naapektuhan din na kung saan 20 hours daw siyang natengga sa airport sa Davao pabalik ng Maynila.

Kaya nga sabi niya panahon na raw talagang ituloy na magkaroon ng dalawang runway ang international airport natin. Ang Clark airport nga raw ang pinaka-feasible kaya dapat na ituloy na rin ang railway system natin para madali na ang koneksyon ng Maynila at Clark, at pati ang Malolos at Maynila.

JOYCE BERNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with