^

PSN Showbiz

Gretchen maglilibot sa U-belt para mangalap ng magagandang balita

Mae Mercado - Pilipino Star Ngayon
Gretchen maglilibot sa U-belt para mangalap ng magagandang balita
Gretchen

MANILA, Philippines — Sa kabila ng matinding pag-ulan, nagliwanag ang gabi ng mahigit isang daang kabataan sa UP Diliman kamakailan lang sa good vibes na dala ng The Happinews Project, isang kilusang humihimok sa mga Pilipino na magbahagi ng mga positibong kwento sa social media.

Bagong kaalaman at inspirasyon upang matapatan ang masasamang balita at awayan sa internet ang naiuwi ng mga estudyante sa paglulunsad ng proyekto sa UP Bahay ng Alumni.

Kasalukuyang may mahigit isang libong kasapi ang The Happinews Project sa Facebook, kung saan nagpapalitan ang mga miyembro ng masasayang kwento at nagbibida ng kabutihang loob ng mga tao.

Para mas marami pang maengganyo, darayo rin ito sa Unibersidad ng Santo Tomas at Far Eastern University kasama ang Happinews ambassador na si Gretchen Ho at iba pang personalidad na maghahatid ng inspirasyon sa mga Pilipino.

Ani Gretchen, kailangan mas marami pang positibong stor­ya ang maikalat sa social media, tulad na lang ng pagtulong sa kanya ng mga kababayan sa London noong manakawan siya roon.

“Nawalan ako ng gamit pero naranasan ko ang kabaitan ng mga Pinoy. Kahit ganito ang nangyari sa akin, mayroon pa ring better side ‘yung story,” sabi niya.

Tulad niya, nagbahagi rin ng kaalaman kung bakit at paano maging positibo ang iba pang speaker na sina ABS-CBN Creative Communications Management division head Robert Labayen, na namumuno sa grupo sa likod ng mga Station ID ng ABS-CBN, Dr. Rosel San Pascual ng UP, Issa Cuevas-Santos ng Gawad Kalinga, at ang dati ring mag-aaral sa UP na si Miggy Bautista, na nagawang makatapos sa kabila ng kanyang kapansanan.

GMA Primetime may-Tutok Panalo!

 Simula nung Biyernes, August 10, mas naging masaya ang pagtutok sa primetime shows ng GMA Network!

Bukod sa mga kaabang-abang na kwento ng mga programa nito, namimigay din sila ng papremyo bawat araw sa GMA Primetime Tutok Panalo.

Para makasali, tumutok lang sa GMA primetime shows mula Lunes hanggang Linggo at sa­gutin ang question of the day. 

Mula Lunes hanggang Biyernes, makikita ang tanong sa isa sa mga Kapuso primetime show na 24 Oras, Victor Magtanggol, Onanay, at Inday Will Always Love You.

Maaari rin itong abangan tuwing Sabado sa Pepito Manaloto, The Clash, at Magpakailanman. Samantalang sa Linggo naman, puwede itong makita sa Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, The Clash, at Kapuso Mo, Jessica Soho. I-text ang sagot sa question of the day, ­ilagay ang promo code: GPTP <space>letra ng sagot<slash>Name<comma>Address at isend sa 4627 para sa lahat ng SMART, TNT, at SUN subscribers. (Example: GPTP A/Juan Dela Cruz, 4 Lime St., Quezon City)

 Kinabukasan, makikita ang announcement of winners sa www.gmanetwork.com/primetimepanalo.

Ang masuswerteng Kapuso viewers ay mananalo ng cellphone load, gadgets, at cash prizes na hanggang P50,000. Samantala, ia-announce naman after September 9 ang grand winner.

 Para sa karagdagang detalye at kumpletong mechanics, magpunta sa official website ng GMA Network sa www.gmanetwork.com/primetimepanalo. Per DTI FTEB Permit No. 9358 Series of 2018.

Alessandra, Empoy, Julia at Joshua magpapakilig sa KBO

Tampok sa KBO ang dalawang nakakaantig ng kwento ng pag-ibig, ang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez at Love You to the Stars and Back nina Julia Barretto at Joshua Garcia, ngayong Sabado at Linggo.

Masisilayan muli ng manonood ang isang kakaibang love story tungkol sa isang babae (Alessandra na gaganap bilang si Lea) na pinupulot ang kanyang sarili matapos masaktan at isang lalaki (Empoy na gaganap bilang si Tonyo) na piniling gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa sa natitirang mga araw ng kanyang buhay. Labis na ikinatuwa ng mano­nood ang naturang pelikula sa pagbibigay nito ng aral tungkol sa pagtanggap sa sarili, sa kagandahang-loob, at ang pagsasakripisyo ng sarili para sa kalagayan ng iba.

Samantala, bago pa man umere ang pinaka-unang teleserye ng JoshLia na Ngayon at Kailanman, dadalhin muna ng kanilang mga karakter na sina Mika (Julia) at Caloy (Joshua) sa pelikulang Love You to the Stars and Back ang mga Kapamilya sa isang road trip na puno ng saya, kwela, at mga aral sa buhay.

Makakasama rin sa line-up nitong linggo ang Unmarried Wife, Squad Goals at Elemento.

THE HAPPINEWS PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with