^

PSN Showbiz

Tessie Tomas at asawa babu na sa ‘Pinas, sa Isla ng England at ireland na titira

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Tessie Tomas at asawa babu na sa ‘Pinas, sa Isla ng England at ireland na titira
Tessie at Roger

Sa darating na Biyernes, August 17 ay magtatapos na ang si­nu­­­subaybayang late af­ternoon TV series na The Blood Sisters na pinagbibidahan ni ­Erich Gonzales playing three different characters bilang sina Agatha, Carrie at Erika na pinamamahalaan ni Jojo Saguin under Dreamscape Entertainment Television ni Deo Endrinal. 

Sa nasabing serye ay gumanap sa isang importanteng papel ang dating morning show host ng Teysi ng Tahanan at veteran actress-writer na si Tessie Tomas na siyang gumanap sa papel ni Dr. Rosemarie Bermudez at ina ni Dr. Debbie Bermudez-Almeda na si Dina Bonnevie.  Si Dr. Rosemarie Bermudez ay sangkot sa isang sindikato na kinabibilangan din ng mag-amang Patron at Greg Solomon na ginagampanan nina Dante Rivero at Ian de Leon.

Sa thanksgiving presscon ng The Blood Sisters last Monday ay inamin ni Tessie na very challenging ang kanyang role although may pagka-kontrabida ito. Nagpasalamat din si Tessie sa Dreamscape, sa lahat ng bumubuo ng cast and crew at sa kanilang director dahil naging pamilya ang kanilang turingan sa loob ng mahigit anim na buwan nilang pagsasama.  Katunayan, nakaramdam umano sila ng sepanx (separation anxiety) sa pagtatapos ng kanilang serye.

Sa August 19 ay nakatakdang lumipad patu­ngong United Kingdom si Tessie to join her British husband na si Dr. Roger Pullin na isang marine bio­logist. Ang mag-asawa ay maninirahan sa Isle of Man, isang isla sa gitna  ng Irish Sea sa pagitan ng England at Ireland. Ang mag-asawa ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas in December - twice a year para bisitahin ang kanyang 90-year-old mother, ang dating radio talent at actress na si Laura Hermosa.

Si Tessie ay may isang anak, si Robin Tomas na isang kilalang fashion designer sa New York, USA.

Ayon kay Tessie, kinse anyos pa lamang daw si Robin ay alam na niya na isa itong gay pero ito’y kanyang sinuportahan hanggang makapagtapos ito ng kanyang pag-aaral sa University of the Philippines at magtungo ng New York City para mag-aral ng fashion design sa Parsons School of Design. Sa New York na rin siya nag-base.  Itinatag din niya ang Tomas, isang women’s clothing line based in New York.

Nung December 13, 2013 ay nagpakasal si Robin sa isang lawyer na si John Charles Cocchiarella sa Manhattan Marriage Bureau sa New York City. Ang nasabing abogado ay nagtatrabaho bilang lawyer sa investment banking division ng Citigroup sa Big Apple (New York).

Bukod sa magandang experience ni Tessie sa The Blood Sisters, baon niya sa kanyang pag-alis ang Best Actress award na kanyang natanggap mula sa 1st Subic International Film Festival para sa pelikulang Old Skool.  Honored si Tessie na siya ang kauna-unahang Best Actress ng nasabing filmfest.

Malungkot naman si Tessie sa kanyang pag-alis on Sunday, August 19 dahil maiiwan niya ang kanyang 90-year-old mother.

Dina may trauma sa paggawa ng pelikula

Thankful si Dina na hindi kontrabida ang ginampanan niyang role sa programa dahil madalas siyang gumanap sa mga contravida roles which she doesn’t mind.

Mula sa Kapamilya Network ay lilipat naman si Dina sa Kapuso Network kung saan niya nakatakdang gawin ang Cain at Abel TV drama series na pangu­ngunahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

“I need to work dahil nasa hospital ang father ko (88),” ani Dina na ang Swiss mother ay nakatakdang dumating sa Sunday mula Switzerland.

Although mayaman ang second husband ni Dina na si Rep. Deogracias Victor Savellano ng unang district ng Ilocos Sur, nahihiya umano siyang mang­hingi sa kanyang mister (of six years).

Ayon kay Dina, in and out umano ang kanyang ama na merong Alzheimer’s at Parkinson’s disease na sumailalim na sa dalawang operasyon (1978 and 1980) na ang isa ay may kinalaman sa kanser.

Inilabas din ni Dina ang kanyang hinaing sa nangyari sa kanyang role na ginam­panan sa mga pelikulang The Significant Other ng Cineko Productions at Citizen Jake ni Direk Mike de Leon na kinatay umano ang kanyang mga eksena at lumabas siyang extra sa dalawang nabanggit na pelikula.

“Takot na akong gumawa ng pelikula,” aniya. “At kung gagawa man uli ako ng movie, kailangang clear sa simula pa lamang ang role na gagampanan ko,” dugtong pa ni Dina.

TESSIE TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with