Anne at Dingdong inaawitan sa mala-magic kingdom!
PIK: Deretsahang tinanong ni Manay Lolit Solis si direk Jason Paul Laxamana na kung alin sa dalawa niyang pelikulang The Day After Valentine’s at Bakwit Boys ang gusto niyang i-push na pa noorin ng mga tao. Isa lang daw ang dapat na piliin niya.
Siyempre, nasa presscon sila ng Bakwit Boys kaya ito ang pinili niya at sabi naman ni direk, kailangan talaga ng dagdag na tulong itong pelikula ng T-Rex Entertainment dahil malaking production naman ang The Day After Valentine’s nina Bela Padilla at JC Santos. Ngayon pa lang nga ay ang dami nang sinehang interesado sa Valentine’s, at illan na lang natira sa ilang entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
“Itong sa Bakwit, hindi pa ganun karami kaya mas kailangan namin ng tulong para manatili ito sa mga sinehan,” pahayag ni direk Jason Paul.
Parehong binigyan ng Grade A ang dalawa niyang pelikula, kaya bilib na bilib sa kanya si Manay Lolit at sinasabi niyang i-recommend niya itong magdirek sa Imus Productions.
Producer friendly pa kasi si direk na nagagawa niyang pagkasyahin ang pelikula sa budget ng kanyang producer.
“I tried to stick to the budget. I’m willing to compromise, I’m willing to sacrifice certain ambitions just to meet the...kung ano man yung resources ng producer ko,” saad ni direk Jason Paul.
PAK: Sobrang na-stress pala si Ogie Alcasid sa dalawang malaking project na involved siya kaya kailangan daw niya ng bakasyon.
Nung gawin daw niya ang Kuya Wes na Cinemalaya entry, isinabay niya rito ang preparasyon ng OA 30thAnniversary concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa August 24. Kaya deserved naman daw niyang magbakas yon pagkatapos nito lahat. “I’ll go to Australia for awhile kasi birthday celebration din ng isa kong anak. Kami ni Regine will be touring sa States for I think four shows. May series siya dun eh,” pahayag ni Ogie sa gala night ng Kuya Wes nung nakaraang Lunes, August 6 sa CCP.
Isa sa excited si Ogie na gagawin niya sa kanyang concert ay ang number niya kasama ang mga anak niyang sina Sarah, Leila at Nate.
BOOM: Naantala ang shooting ng pelikulang Silay na idinidirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes dahil sa nagkaroon ng landslide sa kanilang location kamakalawa ng umaga.
Nasa Teresa Marble, Rizal daw sila nang biglang gumuho ang ilang bahagi ng bundok na malapit sa kanilang set.
Papunta na raw si direk Peque at isa sa mga star ng pelikula na si Miggs Cuaderno, nang sabihan sila ng production staff na huwag nang tumuloy dahil sa nangyaring landslide at tumataas na rin daw ang tubig sa ilog.
Ang pelikulang Silay ay mala-Magic Kingdom. Prinodyus ito ni Negros Occidental Representative Albee Benitez para sa ipinapatayo niyang malaking theme park sa Silay, Negros Occidental.
May mga karakter silang i-introduce dito na gagamitin sa kanilang theme park.
Mga bata ang mga bida rito, pero may mga mahahalagang role na gagampanan sina Dingdong Dantes, Anne Curtis, Ian Veneracion, Jaclyn Jose, Agot Isidro at marami pa.
Kung kakayanin nila sa deadline ng MMFF, baka isumite nila sa Screening Committee at baka mapili pa itong isa sa official entries 2018 Metro Manila Film Festival.
- Latest