Female personality na magaling magturo ng sayaw pinatulan ang kaartehan ng production staff!
PIK: Malaking pressure nga ba sa Onanay ang pagsisimula nila mamayang gabi sa GMA Telebabad, dahil consistent na top-rating show ang pinalitan nila?
Mukha namang interesting sa ipinapakitang trailer, pero ang maganda rito kasi ang mga kabugang eksena nina Nora Aunor at Cherie Gil. Ganitong drama ang hinahanap pa rin ng mga viewers, kaya puwedeng matapat o baka mahigitan pa ang pinalitan nito sa timeslot na Kambal Karibal.
Matindi nga ang Lunes ng gabi sa GMA Telebabad, dahil pagkatapos ng Victor Magtanggol na kinapananabikan na ng mga viewers, susundan ng Onanay, ang bagong drama na nagtatalakay sa kakaibang karakter sa lipunan.
PAK: Nakatikim ng pananaray ang isang female TV personality mula sa isang production staff dahil din sa ginawa nito sa taping ng isang weekend program ng isang malaking TV network.
Saksi raw ang host ng programang ito nang tinalakan ni female TV personality si production staff na aligaga dun sa taping.
Nakaupo raw kasi si female TV personality malapit sa host at nadadaanan lagi ng production staff. Itong si production staff ay abala sa pag-aasikaso sa mga contestant at guests. Kaya pabalik-balik siya sa puwesto niya at sa lugar malapit sa host.
Sinabihan ni production staff si female TV personality kung puwedeng lumipat na lang pero tumanggi daw si female TV personality.
Maya-maya, lumapit si female TV personality kay production staff na umiiyak. Tinalakan niyang napakayabang daw nito, akala mo kung sino na basta na lang siya pinapaalis sa lugar niya. Sabi ni production staff, talaga namang nakakaharang siya.
Super talak pa rin daw si female TV personality, pero hindi na pinansin ni production staff. Ang gusto niya matapos na lang, dahil pagod na silang lahat.
Pagkauwi ni production staff galing ng taping, nag-text ito kay female TV personality. Sinabihan niyang wala siyang ginagawang masama at hindi siya nagyayabang. Sinabihan pa raw niya itong huwag mag-iinarte ng ganun dahil hindi naman siya artista.
Pagkatapos nun ay na-block na ni production staff si female TV personality at in-unfollow sa social media account.
Naalala ko minsan umaarte naman itong si female TV personality ah! Napapanood ko siya minsan sa ilang programa na umaarte, pero hindi naman talaga siya artista dahil magaling siyang magturo ng mga sayaw.
BOOM: Buhay na buhay na naman ang Cultural Center of the Philippines dahil nagsimula na ang 14th Cinemalaya Independent Film Festival.
Ang pelikulang BuyBust ang opening film nung nakaraang Biyernes, Aug. 3 at hindi napigilan ni Anne Curtis na maluha sa mainit na pagtanggap sa naturang pelikula. Ilang beses itong pinalakpakan, at sobrang na-touch si Anne dahil iba raw talaga ang feeling ng mga kababayan mismo ang pumuri ng kanyang pelikula. Nasulit daw ang dalawang taong hirap at pagod, na sabi nga niya literally blood, sweat and tears ang ibinuhos nila sa pelikulang ito.
Ilang entries sa full length category pa lang ang napanood namin, at so far, na-appreciate namin ang School Service ni direk Louie Ignacio dahil simple lang naman ang inilahad sa pelikula pero magagaling ang lahat na mga artista.
Mas gusto namin itong School Service ni AiAi delas Alas kesa sa Area na dinirek din ni direk Louie Ignacio.
Pero ang mapapansin mo talaga rito ay ang mga batang co-stars nila. Magagaling silang lahat at puring-puri nga sila ni direk Joel Lamangan na bahagi rin ng pelikula.
Kagabi ang gala night ng School Service sa CCP na sinuportahan ng mga kaibigan at kasamahan ni AiAi sa Sunday PinaSaya.
- Latest