SP tatlong taon na
MANILA, Philippines — Kakaibang experience at pasabog na performances ang naghihintay sa mga Kapuso viewers ngayong Linggo, Agosto 5 (12 nn) para sa third-year anniversary ng Sunday PinaSaya.
Ayon kay GMA First Vice President for Program Management Joey Abacan, ang tagumpay ng SPS ay maiuugnay sa matibay na pagkakaibigan ng mga host, management at staff ng programa.
“Believe it or not, the show that makes people laugh and entertained every Sunday is a product of the joy of the beautiful working relationship of the people on and off the camera. Nahahalata sa produkto na maligaya sila sa ginagawa nila. I also believe that there is commanded blessing in harmony, kaya nakaka-tatlong taon na tayo,” pahayag ni Abacan.
Bilang bahagi ng kanilang engrandeng selebrasyong may temang Samahang Puno Ng Saya, hinati sa apat na grupo ang mga miyembro ng cast na pinangungunahan nina Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas, Comic Duos Jose Manalo at Wally Bayola at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Tinatawag na SPS Kasaya Showcase, sariling sikap ng bawat grupo ang bawat performances nila, “We want to show to our viewers the chemistry and friendship among the cast on and off camera,” dagdag pa ni Rams David, Supervising Producer ng programa.
Sa Team AiAi, makakasama niya sina Kyline Alcantara, Kim Last, Lovely Abella, Jerald Napoles, at Barbie Forteza.
“Humanda ang ibang teams sa Team AiAi dahil kakaibang pasabog yung hinanda namin. Maraming magugulat dahil ang iba sa amin first time gagawin ang mga inihanda naming production numbers dito,” pagmamalaki pa ni AiAi.
Samantala, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Boobsie, Joey Paras, at Julie Anne San Jose naman ang miyembro ng Team Jose.
“Sisiguraduhin ko na kakaiba ang ipapakita namin sa inyo. Yung mga makakakasama ko, magagaling na artista,” pagbabanta naman ni Jose.
Si Wally naman ang mangunguna sa team nina Andre Paras, Gladys Guevarra, Taki Saito, Valeen Montenegro, at Alden Richards. “For sure matutuwa at masisiyahan ang mga Kapuso sa ipapakita naming production. More than that, nag-enjoy kami ng team ko sa paghahanda.”
Bubuuin naman nina Jak Roberto, Pekto Nacua, Justin Dimandal, Ryzza Mae Dizon at Ruru Madrid ang Team Marian.
“Dapat abangan ng ating mga Kapuso ang Team Marian dahil sigurado kami na ipapakita ng bawat isang myembro ko kung gaano sila kagaling magpatawa, kumanta at sumayaw kaya talagang hindi nila dapat ito palampasin,” pag-imbita ni Marian sa fans.
- Latest