^

PSN Showbiz

Dating child actor na si CJ Ramos huli sa buy-bust, naghahangad ng second chance

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dating child actor na  si CJ Ramos huli sa buy-bust,  naghahangad ng second chance
CJ

Kung hindi pa siguro natuklasan na former child actor si CJ Ramos, hindi pag-aaksayahan ng panahon ang balita na nahuli siya sa isang buy-bust operation noong July 31.

Sa true lang, hindi na nga natatandaan ng mga tao ang itsura ni CJ dahil hindi na siya active sa showbiz pero ang kaso na kinasasangkutan niya ang naging dahilan para magkaroon ang madlang-bayan ng interes sa kanya.

Ang sabi ni CJ, sampung taon na ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot. Sinubukan niya na tumigil pero addictive talaga.

Nasanay tayo na payat, marungis at ngarag ang itsura ng mga lulong sa illegal drugs pero walang-wala sa physical appearance ni CJ na drug addict ito kaya hindi mapagkakamalan na may bisyo siya na masama.

Pinagsisisihan ni CJ ang nangyari at nangako na magbabagong-buhay kapag nabigyan ng second chance.

Pero kung hindi naman siya natiklo, hindi magsisisi at hindi mangangako si CJ na iiwasan na nito ang masamang bisyo na sumira sa kanyang buhay at kinabukasan.

Sana nga, mabigyan ng second chance si CJ dahil hindi pa naman huli ang lahat. Siguro naman, may mga kamag-anak at mga kaibigan siya na handa na tumulong para matupad ang pangako niya na magbagong-buhay.

Puwedeng tularan ni CJ si JM de Guzman na naligaw rin ng landas pero nagsikap na makabalik sa showbiz at muling hinarap ang acting career na napabayaan  dahil sa masamang bisyo.

Sec. Arthur Tugade, ibinuking ang milyong halaga ng mga toilet ni P. Noy

Nakilala ko nang personal kahapon, for the first time, si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na masarap kausap dahil alam niya ang sagot sa lahat ng mga tanong na may kinalaman sa government agency na kanyang pinamumunuan.

Siyempre, may explanation si Papa Arthur tungkol sa Kayo ang Boss Ko toilets na project ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Kalurky ang mga toilet na inilagay sa mga station ng Philippine National Railways dahil walang partisyon kaya walang privacy ang mga gumagamit. Only in the Philippines talaga!

Nakakaloka rin ang rebelasyon ni Papa Arthur na P295 million ang budget ng Aquino administration para sa mga toilet. Saan napapunta ang datung? Sino ang nakinabang?

Imbyerna si Karen Davila sa isyu ng mga katsipan na toilets pero may valid explanation si Papa Arthur na hindi rin ma-take ang project ng nakaraang administrasyon.

“Hindi ho naming ginawa yan, gawa ng nakaraang administrasyon. Nu’ng inilunsad nila ang proyekto na yan, ang tawag nila, Kayo ang Boss Ko toilets. Bagama’t tinawag na Kayo ang Boss Ko toilets, ang sinabi ng ating kalihim noon, si Secretary Mar Roxas na yung mga itatayong toilet, world-class, Singapore class.

“Wow ang sabi noon ng mga tao. Nu’ng makita ho namin ang Kayo ang Boss Ko toilets na ibinibigay sa amin, hindi namin sinabi na wow. Ang sabi ho namin, ngek!

“Ngek talaga, tatluhan na toilets, walang partisyon. Hindi ho namin itinatakda ang karamihan na mga proyekto na yan pagkat hindi nagawa sa pangakong disenyo at programa.

“Meron din mga kontratista yan. Nu’ng matanggap yung downpayment, nawala, hindi itinuloy kaya yung iba, inumpisahan hindi tinapos. Ayan ho yung world class toilets ng nakaraang administrasyon,” ang klarong-klaro na explanation ni Papa Arthur kaya hindi dapat sisihin ang administrasyon ni President Rodrigo Duterte na walang kinalaman sa kapalpakan ng mga may pakana ng Kayo ang Boss Ko toilets.

vuukle comment

CJ RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with