^

PSN Showbiz

Korean actor na si Nam Joo nilamutak Ng Pinoy fans

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korean actor na si Nam Joo  nilamutak Ng Pinoy fans
Nam Joo Hyuk

MANILA, Philippines — Grabe, literal na nilamutak ng Pinoy fans ang Korean actor na si Nam Joo Hyuk na sumikat sa mga palabas na Weightlifting Fairy Kim Bok-joo, The Bride of Habaek at marami pang iba.

Nasa bansa si Nam Joo kasama si Sandara Park para sa kanilang fan meeting sa ini-endorse nilang clothing line.

Sa video na nag-viral, makikita kung paano siyang kinuyog, nilamutak at hinipu-hipuan ng mga obssessed na Pinoy fan. Grabe. Hindi na nakangiti si Nam Joo siguro sa pikon dahil kitang-kita nga naman na hinahawakan na ang ilang bahagi ng katawan ng Korean actor sa kumalat na video as in parang nabiktima siya ng harassment. Meron pang ibang fans na todo hipo sa abs ni Nam Joo na animo’y gusto siyang gahasain. Hahaha.

Hindi na actually natuwa si Nam Joo sa nangyayari at kitang-kita ‘yun sa video. Nabastos naman talaga siya.

Sobrang hindi siya natutukan ng security na ang isa ay panay lang ang salita sa microphone na hindi professional wrestler si Nam Joo.

Pero wild talaga ang fans at bastusan na talaga ang nangyari.

Nakakapagtaka lang na naging maluwag ang Korean security ni Nam Joo that particular time na karaniwan namang strict sa fans.

Naka-attend na rin naman kami ng fan meeting recently lang ng isa pang Korean actor na si Jung Hae-in pero hindi naman ganun kagrabe. Parang mas mababait ang fans ni Jung.

Usually bawal silang hawakan except sa ‘high touch’ portion sa mga bumili ng mahal na ticket. Pero ito, ibang level ang pagiging wild ng fans ni Nam Joo na kinababaliwan ngayon ni Nay Lolit Solis.

Hahaha. Malayo lang nga ang venue ng fan meeting. Baka kung medyo malapit lang ay baka naengganyo pa siyang mag attend na tiyak na isa sana sa nakihipo kay Nam Joo. Hahaha.

Related video:

NAM JOO HYUK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with