^

PSN Showbiz

Direk Joyce ginawang kalmado ang SONA

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Joyce ginawang  kalmado ang SONA
Direk Joyce at P. Digong

Mas pinuri ang direction sa State of the Nation Address ni Direk Joyce Bernal.

Hindi indie ang approach at clear ang mga anggulo. At na-capture ang buong congress.

Wala na ‘yung mga unpleasent angle na pinupuna noong si Direk Brillante Mendoza sa two years niyang pagdidirek.

Saka siguro parang kalmado ang paligid, hindi ‘yung parang may panggulat.

Or baka kasi nauna nang nagkaroon ng drama sa speakership kung saan nagkaroon ng coup de’ etat.

Tulad naman sa mga nakaraang SONA nangibabaw sa kasimplehan si Heart Evangelista na sina­sabing best dressed at Jinkee Pacquiao sa  kulay puti nilang suot.

Maging ang pamil­ya ni President Duterte ay pansin ang mga si­nuot na gown lalo na ang girlfriend ni Baste Duterte na white gown na gawa ni Cary Santiago. Hot item si Baste sa SONA dahil nga maraming may crush sa pre­sidential son eh kaso sinama niya ang girlfriend.

Anyway, agaw-eksena naman ang kulay green gown ni Rep. Baby Arenas and red gown ni Rep. Imee Marcos. Ganun din si Ms. Marga Nograles (wife ni Cong. Carlo Nograles and Rep. Em Aglipay-Villar - (wife of DPWH Sec. Mark Villar).

Nag-viral naman ang family photo ng mga se­nator matapos ngang agawan diumano ng upuan si Sen. Cynthia Villar kaya medyo nakalayo ang chair niya. Wala namang banggit kung sino ang nang-agaw ng upuan ni Sen. Villar.

Ang saya ng SONA parang isang show na pinag-pipiyestahan ng bayan dahil sa iba’t ibang eksena.

Kakai nakaka-score na kay Ahron

May aliw factor ang pelikulang Harry and Patty na pinagbibidahan nina Kakai Bautista and Ahron Villena.

Parang silang-sila lang, I mean ‘yung pinagdaanan ni Kakai kay Ahron noon. Iba nga lang ang twist sa true to life kesa sa pelikula na dinirek ni Julius Alfonso na direktor din ng Deadma Walking.

Swak kina Kakai and Ahron na parang iisipin mong si Kakai ang producer dahil sa takbo ng kuwento. Hahaha.

Graded B ng Cinema Eva­luation Board (CEB) ang Harry and Patty.

vuukle comment

JOYCE BERNAL

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with