^

PSN Showbiz

Sobrang lambingan nina Joshua at Julia sinasaway na ng mga bossing ng Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sobrang lambingan nina Joshua at Julia sinasaway na ng mga bossing ng Kapamilya
JoshLia

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia kamakailan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa.

Para sa ina ng aktres na si Marjorie Barretto, suportado naman niya ang buhay pag-ibig ni Julia. “Kung sino ang mahal ng anak ko doon ako,” nakangi­ting bungad ni Marjorie.

Napapansin din umano ng dating aktres ang pagiging sweet nina Julia at Joshua sa isa’t isa. “Sobra-sobra na nga silang dalawa, too sweet. But their chemistry is undeniable off-screen and on-screen, and they worked so hard for everything,” pahayag ni Marjorie.

Nagbigay naman ng reaksyon si Joshua tungkol sa nasabi ng ina ni Julia.

“Kung ano naman talaga ang gusto ni Julia, doon naman din ako eh. Kung ano ‘yung makapagpapasaya sa kanya, doon ako. Si Tita (Marjorie) naman, nirerespeto ko siyempre. Kung ano ‘yung gusto ni Tita, siyempre susundin ko ‘yon,” pahayag ni Joshua.

Samantala, napagsasabihan na rin daw ng Star Magic management sina Joshua at Julia dahil sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

“Palagi siya (Joshua) ‘yung pinagsasabihan, kahit management. Nasosobrahan din kasi ako. I think, ‘yung love namin for each other, ‘yung comfortability level na namin, I guess. Siguro it just so happens na pareho kaming affectionate,” pagtatapat ni Julia.

Winwyn susubok uli sa Binibining Pilipinas

Noong isang taon ay nasungkit ni Winwyn Marquez ang korona bilang Reina Hispanoamericana na ginanap sa Bolivia. Matatandaang ang dalaga rin ang kauna-unahang nakakuha ng korona bilang Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines noong isang taon.

Ngayon ay posible naman umanong sumali sa Binibi­ning Pilipinas sa susunod na taon ang beauty queen.

“Actually pwede pa ako sumali ng Binibining Pilipinas next year. I can still join, pasok pa din but I don’t know. We’ll see.

“Everything is possible. I don’t want to close any doors. As long as it’s a different organization pwedeng sumali. And Miss World and Binibini are different but we’ll see. I’m happy with Miss World right now. Ang tagal pa no’n, next year pa ‘yon. Ang dami pang pwedeng mangyari eh. Ang daming magandang opportunities ang binibigay sa akin ngayon. So ‘yon muna ang pagtutuunan ko ng pansin,” makahulugang pahayag ng dalaga.

vuukle comment

JOSHLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with