^

PSN Showbiz

Julie Anne nakapili na kina Gil at Kiko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapanood ngayong araw ang hu­ling episode ng My Guitar Princess. Inabangan ang pakikipaglaban ni Celina (Julie Anne San Jose) hindi lamang para abutin ang kanyang mga pangarap kung hindi pati na rin upang protektahan ang mga mahal niya sa buhay.

Maayos na sana ang lahat sa buhay ni Celina. Nalaman na ni Elvis (Kier Legaspi) na anak niya si Celina at nagkabati na rin sila ni Adele (Sheryl Cruz).

Sa wakas, suportado na rin ni Adele ang pangarap ng kanyang anak na maging isang singer.

Ngunit hindi makapapayag ang mag-tiyahin na sina Taylor (Isabelle de Leon) at Mariah (Mickey Ferriols) na maging masaya si Celina.

Mapagtagumpayan kaya niya ang pagkamit ng kanyang pangarap at protektahan ang kanyang pamilya?

Unang nagpakilig sa viewers noong Mayo ang My Guitar Princess na pinagbibidahan din nina Kapuso heartthrobs Gil Cuerva at Kiko Estrada bilang Elton at Justin. Parehong nahulog ang loob ng dalawa kay Celina at ngayon nga ay dapat abangan ng viewers kung sino sa kanila ang makakasungkit sa puso niya: ang kababata niyang si Elton na kahit isang sikat na pop singer ay sinuyo pa rin si Celina o si Justin na kaibigan ni Celina at tumulong sa kanya upang maging si Guitar Princess?

Tampok din sa My Guitar Princess sina Marc Abaya, Frank Garcia, Maey Bautista, Marika Sasaki, Ralf King, Rob Sy, at Ms. Lui Manansala.

Huwag palampasin ang huling araw ng My Guitar Princess, bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

MY GUITAR PRINCESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with