Erich, Jasmine at Jericho ipapakita ang ganda ng Siargao
MANILA, Philippines — Dadalhin ng Cinema One ang mga manonood sa magagandang tanawin sa unang pagpapalabas nito ng pelikulang Siargao tampok sina Erich Gonzales, Jasmine Curtis-Smith, at Jericho Rosales, ngayong Linggo (Hulyo 15).
Sundan ang kaaya-ayang vlogger na si Laura (Erich) na tutungo sa isla ng Siargao matapos makipaghiwalay sa kanyang nobyo. Makikilala niya si Diego (Jericho), na siya namang uuwi sa probinsya upang makalimot sa problema. Magkasama ang dalawang lilibot sa isla habang susubok harapin ang kani-kaniyang pagsubok—ang pagtuklas ni Laura sa kaniyang sarili, at ang pagharap ni Diego sa kanyang dating kasintahan na si Abi (Jasmine).
Bukod sa kwentong pag-ibig at pagbangon nito, tampok rin sa pelikula ang sikat na beach vibe at night life ng Siargao. Ipinakita rin dito ang General Luna, Cloud 9, at Sugba Lagoon, ilan lamang sa mga tanyag na tourist spots ng lugar.
Kasama rin sa pelikula sina Enchong Dee, Mica Javier, Wilmar Melindo, Roxanne Barcelo, Will Devaughn, ang dalawa sa top surfers ng bansa na sina Luke Landrigan at Wilmar Melindo, at ang YouTube vlogger na si Wil Dasovich.
Mamangha sa kagandahan ng Siargao ngayong Linggo (Hulyo 15) sa bagong oras ng Blockbuster Sunday ng Cinema One, 7 PM.
- Latest