^

PSN Showbiz

Kasong grave slander sa isang fashion designer, ibinasura na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang sampung taon sa korte, dismissed ang fashion designer na si Boyet Fajardo sa kaso niyang grave slander na isinampa laban sa kanya noong 2009.

Matatandaang nasangkot si Fajardo sa isang gulo nang maki­ta siya sa camera na ‘di umano’y pinapagalitan ang dalawang empleyado ng Duty Free Fiesta Mall matapos siyang hi­ngan ng mga ID para sa mga binili niya. Dalawang kaso ang isinampa pero ‘di kalaunan, binitiwan na ang isang kaso.

Ayon kay Fajardo, naapektuhan ang kanyang trabaho at nag-pull out ang mga mall partner niya dahil sa pangyayari.

Sinabi ni Atty. Renato C. Pineda, ng APPA Law Office at abogado ni Fajardo, “It was an unfortunate incident. The punishment – the public backlash, the disparaging of his company and career - was too harsh for a little case of misunderstanding that could have been better resolved outside of court.”

Tinuloy naman ni Susan Gonzales, complai­nant, na ni-represent  ni Atty. Sigfrid Fortun of Fortun & Santos Law Offi­ces, ang kaso laban kay Fajardo. Subali’t naging pabor ang decision ng korte kay Fajardo.

“I’ve come out from this trial stronger and with more humility. I thank Atty. Pineda for his unwavering support and bringing me justice. Now, I feel free and more driven and inspired to continue my work,” dagdag ni Fajardo, na ngayon ay kinakampanya na ang mga taong may kapansanan. - RR

vuukle comment

BOYET FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with