^

PSN Showbiz

Dingdong may haharaping malaking challenge!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong may haharaping malaking challenge!

Congrats kay Dingdong Dantes dahil siya ang host ng Amazing Earth, ang infotainment show ng GMA 7 na mapapanood na sa darating na Linggo, June 17.

Natuwa ako sa sinabi ni Dingdong na inspirasyon niya ang Kaps Amazing Stories kaya hoping siya na tumagal din ng pitong taon sa telebisyon ang Amazing Earth.

Si Bong Revilla ang host ng Kaps Amazing Stories na nagsimula noong August 19, 2007 at natapos noong July 6, 2014.

Kung hindi pa siguro nakulong si Bong noong June 2014, baka umeere pa rin hanggang ngayon ang infotainment show niya sa Kapuso Network.

Maipagmamalaki ni Bong na mataas ang rating ng Kaps Amazing Stories nang mag-babu ito sa telebisyon noong 2014 na isang matibay na ebidensya na hindi nawala ang tiwala sa kanya ng publiko.

Malaking hamon kay Dingdong ang pagiging host ng Amazing Earth pero sure ako na magi­ging successful ang bagong show niya sa kanyang home studio.

Perfect host si Dingdong ng Amazing Stories dahil malawak ang kaalaman niya sa halos lahat ng mga bagay-bagay at masarap pakinggan sa tenga ang kanyang suwabeng-suwabe at napakalinaw na boses.

Nagbiro si Dingdong sa presscon kahapon ng Amazing Earth nang magpasalamat siya kay Betong Sumaya na maraming raket sa ibang bansa kaya napasakamay niya ang hosting job ng coming very soon infotainment program ng GMA 7.

Favorite expression ni Betong ang “amazing” word na title na ngayon ng show ni Dingdong. In fairness naman kay Bong, ito ang unang gumamit ng amazing word sa title ng dating programa niya sa Kapuso Network.

Jolo nanggulat, nag-martsa na naka-toga!

Ginulat ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang fans nang dumalo siya kahapon sa graduation day ng mga estudyante ng Lyceum of the Philippines University sa PICC.

Tahimik lang si Jolo as in hindi nito ipinamalita na nag-aaral siya habang ginagampanan ang mga responsibilidad bilang bise-gobernador ng Cavite, nag-aartista sa FPJ’s Ang Probinsyano at gumagawa ng pelikula, ang Tres na isasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 2018.

Bachelor of Arts-Major in Legal Studies ang kurso na tinapos ni Jolo sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng Lyceum of the Philippines University sa Cavite.

Kasama ni Jolo sa graduation day niya ang kanyang ever supportive mother, si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

At dahil ipagdiriwang ang Father’s Day sa June 17, buong-puso na inihahandog ni Jolo sa kanyang equally supportive father na si Bong ang college diploma niya.

“Being a public servant, actor and a student all at the same time is a great challenge. Pero tulad ng marami sa inyo, I made it. Kapag ginusto, kahit mahirap, hindi lang kakayanin, mapagtatagumpayan

“Together with my fellow graduates, I’m taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty

“To my mom, accept my love and gratitude. To my dad, this is my advanced Father’s Day gift to you. To my friends and loved ones, along with people who helped me up the steps of the ladder to reach this moment, I humbly share this milestone which will always remind me that at the face of challenges, you believed that I can make it,” ang graduation message ni Jolo para sa lahat ng mga mahal niya sa bu hay at sa mga naniniwala sa kanyang kakayahan.

AMAZING EARTH

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with