^

PSN Showbiz

Kuwento ng pagpapakamatay sunud-sunod na naman!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Depressing ang mga balita sa mga news program kaya tinatamad na ako na manood ng TV. Hindi ko ma-take ang news na pinatay ng isang gutom na lalake ang tatlong kapatid dahil hindi nakapagsaing ng kanin ang mga bagets.

Nakaka-depress din ang balita tungkol sa suicide nina Kate Spade at Anthony Bourdain na mga sikat at mayayaman na tao pero hindi kinaya ang kanilang mga problema.

Hindi ko talaga lubos-maisip na nagbigti si Kate sa pamamagitan ng scarf na sobrang tibay kaya may mga nagtatanong sa brand nito.

Hanggang ngayon, hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ni Anthony na ikinagulat ng kanyang ina dahil wala raw sa karakter ng anak niya ang tatapusin ang sariling buhay.

Sa true lang, marami akong kakilala na matatapang ang image at malalakas ang personality pero defense mechanism lamang nila ‘yon dahil sa tunay na buhay, mahihina ang kanilang mga kalooban at malungkot na malungkot sila.

Sinu-sino ba sa mga local showbiz personality ang kumitil sa sariling buhay? Nandiyan ang sexy star na si Stella Strada na nagpakamatay noong kasikatan niya.

Na-feel ng lahat ang napakalungkot na buhay ni Stella dahil sa kanyang suicide note na may nakasulat na “Walang nagmamahal sa akin.”

Nagkaroon ng Stella Strada Syndrome noong 1985 dahil tumaas ang suicide rate matapos magpakamatay ni Stella noong December 28, 1984.

Nagpakamatay rin ang mga Starstruck star na sina Marky Cielo at Tyron Perez.

Nagbigti si Marky noong December 7, 2008. Shocked na shocked ang mga kaibigan ni Marky dahil hindi nila inakala na magpapakamatay ang aktor na masayahin at magaling makisama.

Nag-suicide naman sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili si Tyron Perez noong December 29, 2011. Natagpuan ang lifeless body ni Tyron sa loob ng kanyang sasakyan sa Valenzuela City.

Pinaka-kontrobersyal ang suicide ni Alfie Anido noong December 30, 1981. Maraming mga speculation tungkol sa pagbabaril ni Alfie sa sarili at may urban legend na pinatay siya at hindi nagpakamatay.

Nakakilabot isipin na month of December nang magpakamatay sina Stella, Marky, Tyron at Alfie as in parang may hatid na sobrang kalungkutan ang naturang buwan. Marami yata talaga ang nakakaramdam ng lungkot at severe depression tuwing Pasko na hindi nararapat dahil ang December ang buwan ng kapanganakan ni Jesus Christ na dapat na ipagdiwang natin.

ANTHONY BOURDAIN

KATE SPADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with