^

PSN Showbiz

Showbiz Personality na sadsad ang career, malapit nang mabaliw sa kakaisip

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Showbiz Personality  na sadsad ang career, malapit  nang mabaliw sa kakaisip
Kate Spade

Nagsalita na si Andy Spade, ang estranged husband ng 55-year old fashion designer na si Kate Spade na nagpakamatay noong June 5 sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili.

Sinabi ni Andy na may pinagdaraanan si Kate na severe depression na nag-umpisa noong 49-years old ang kanyang asawa. Inamin din ni Andy na sampung buwan na silang hiwalay ni Kate na nag-iwan ng suicide note para sa kanilang only daughter na 13-years old pero itinanggi niya ang tsismis na magpa-file siya ng divorce.

Dahil sa pagpapakamatay ni Kate, nagkaroon ng panawagan na magkaroon ng aksyon sa suicide prevention.

Marami ang dumaranas ng depression pero hindi natututukan ng pansin dahil kulang ang kaalaman ng kanilang mga mahal sa buhay tungkol sa mga problema nila. May mga tao kasi na hindi matatag ang kalooban at madaling maapektuhan ng mga pagsubok.

May isang showbiz personality na sobra ang depression na nararam­daman dahil hindi niya matanggap na irrelevant at has-been na siya sa entertainment industry.

Halos gawin na niya ang lahat para bumalik ang sigla ng kanyang showbiz career pero bigo siya. Sinasabi ng friends ng showbiz personality na hindi ang tipo nito ang magpapakamatay. Isa lang ang worry nila, malamang na mabaliw ang showbiz personality kapag na-feel na talaga nito na sadsad na sadsad na ang kanyang popularity at nag-babu na ang fans niya.

Nakidalamhati sa pagkawala ni Kate Spade ang mga kilalang personalidad sa Amerika gaya ng former presidential daughter na si Chelsea Clinton, Josh Groban at Reese Witherspoon.

Nagpahayag din ng kalungkutan sa pagkamatay ni Kate ang mga Pilipino na tumangkilik sa kanyang mga popular Kate Spade bags.

Kabilang si MTRCB Chair Rachel Arenas sa mga nag-post sa Instagram account niya ng kanyang Kate Spade bag bilang pagbibigay-pugay sa pumanaw na American fashion designer.

P. Digong suportado si Mocha sa hindi pag-sorry kay Kris

Sorry na lang sa mga naghihintay na mag-sorry kay Kris Aquino si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil hindi ito pipilitin ni President Rodrigo Duterte na humingi ng paumanhin.

Malinaw ang sagot ni Papa Digong na hindi siya sinuway ni Mocha dahil tumanggi ito na mag-apologize kay Kris na nagreklamo na binalahura ng PCOO Asec ang alaala ng kanyang mga namayapa na magulang.

“As I respect the opposition, I must also respect the people in my camp. She has invoked the right of free expression. Once ka mag-invoke ka ng ganun, wala ako magawa kasi ako mismo sinasabi ko it’s your right to criticize me,” ang explanation ni Papa Digong na ikinatuwa ng mga supporter ni Mocha.

Imbes na mag-sorry, umapela sa media si Mocha na huwag na itong pag-aksayahan ng panahon dahil hindi naman siya kulang sa pansin.

Kung #LabanKris ang isinusulong ng fans at supporters ni Kris, #StandWithMocha naman ang sigaw ng mga naniniwala at nagtitiwala kay Mocha na hinahangaan nila ang ipinapakita na katatagan at paninindigan.

ANDY SPADE

KATE SPADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with