^

PSN Showbiz

MOR stations sanib-puwersa para sa Pinoy Music Awards

Pilipino Star Ngayon
MOR stations  sanib-puwersa para  sa Pinoy Music Awards

MANILA, Philippines — Hindi tinantanan ng listeners ang MOR 101.9 sa Mega Manila, at kasama ang 16 iba pang MOR stations nationwide, handa na itong maghandog ng mas pinalakas at mas pinalaking FM radio station sa paglulunsad ng MOR Philippines.

Base sa pinakahuling survey ng Kantar Media para sa unang quarter ng taong 2018, nakakuha ang MOR 101.9 Manila ng pinakamataas na ave­rage audience share na 33% sa lahat ng FM stations sa Mega Manila. Ito ay lamang ng 12 puntos kum­para sa pinakamalapit nitong kalaban na nakatamo lang ng 21%.

Bukod sa MOR Manila, karamihan din sa MOR stations sa bansa ay namamayagpag sa radyo sa kani-kanilang rehiyon kaya naman mas pag-iiba­yuhin pa ito ng MOR Philippines.

Sa ilalim ng MOR Philippines, magsasanib-pu­wersa ang 17 MOR stations para maghatid sa mga tagapakinig sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng iisang tunog at iisang vibe.

Bukod sa paghahatid ng de-kalidad na entertainment sa radyo, sinusulong din ng MOR ang original Pinoy music o OPM at binibigyang pugay ang Filipino artists at songwriters sa pamamagitan ng taunang MOR Pinoy Music Awards.

Para sa taong ito, ang mga nominado para sa Song of the Year ay ang Titibo-Tibo ni Moira Dela Torre, Demonyo ni JK Labajo, Sampu ni Jona, at ang Shanawa ni Maymay Entrata.

Nominado naman si Maymay, Moira, Alexa Ila­cad, at Yeng Constantino para sa Female Artist of the Year, habang nominado naman para sa Male Ar­tist of the Year sina JK, Inigo Pascual, Christian Bautista, at Noven Belleza.

Maglalaban-laban naman para sa Album of the Year ang Rivermaya (Sa Kabila ng Lahat), sina Gloc 9 (Rotonda), Jona (Jona) at JK Labajo (KKL).

Para naman sa Best Collaboration of the Year, nominado sina Elisse Joson at Mccoy De Leon, Gracenote at si Chito Miranda, at si Jona kasama ang Boyband PH.

Nominado rin ang awiting Opposites Attract ng McLisse para sa OPM Revival of the Year category, kung saan makakabangga nila ang Sundo ni Moira Dela Torre, Beautiful Girl ni JK Labajo, at Why Can’t It Be ni Kaye Cal.

Samantala, nakuha naman ng BoybandPH ang ikalawa nitong nominas­yon para sa LSS Hit of the Year category para sa kanilang awiting Boyfriend. Makakalaban nila rito sina TJ Monterde para sa Tulad Mo, Noven Belleza para sa Tumahan Ka Na, at Kim Chiu para sa Okay Na Ako.

Magtatagisan naman para sa Regional Song of the Year ang Cebuana ni Karencitta, Waray Love Bisaya ni Polzkee at Ai, Yayay ng Piyaok Band, at Dvoena ni Pao Lofranco. Maglalaban naman sina Kisses Delavin, Maris Racal, Tony Labrusca, at Noven Belleza para sa Best New Artist.

Hindi rin pahuhuli ang musical acts na sumikat online gaya ng Agsunta, Karencitta, Ex Battalion, at Ben&Ben na nominado para sa Digital Artist of the Year category.

Magaganap ang MOR Pinoy Music Awards 2018 sa Hulyo 21 sa Araneta Coliseum.

Kapamilya stars nagpasaya ng mga nanay

Bidang-bida ang mga nanay sa treat ng ABS-CBN sa ginanap na Bida Kapamilya Just Love Araw Araw sa Robinsons Starmills, Pampanga noon lang nakaraang buwan.

Nagsimula ang araw sa energetic na Zumba activity na sinundan ng job fair. May cooking demo rin ang TESDA kung saan namigay ito ng scholarship para sa ilang mapapalad na kalahok.

Mas uminit pa ang kaganapan pagdating ng hapon sa pagdagsa ng Kapamilya stars para sa espesyal na variety show sa pangunguna ng lead stars ng pinakabagong Star Cinema film na Kasal na sina Bea Alonzo at Paulo Avelino pati na ang co-stars nitong sina Vin Abrenica at JC Alcantara.

Nagpakilig naman ang bagong tinitiliang loveteam nina JM de Guzman at Barbie Imperial kasama ang iba pa nilang kasama sa Precious Hearts Romances presents: Araw Gabi na sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, at Joshua Colet.

Hindi rin nagpahuli ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes at pina­ngiti rin ang mga Kapamilyang dumagsa sa Pampanga.(SVA)

MOR 101.9

MOR PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with