^

PSN Showbiz

Ilang aktor umamin may kakaibang karanasan din kay Direk Mike!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ilang aktor umamin may kakaibang karanasan din kay Direk Mike!
Direk Mike

PIK: Sumali na naman pala sa isang male beauty pa­geant ang kapatid ni Nathalie Hart na si Lord Kenneth Snell, pero hindi naman siya nagwagi.

Isa sa mga contestants sa Mr. Grand Philippines 2018 itong 24-anyos na kapatid ni Nathalie at sa top 10 fina­lists lamang siya nakapasok, pero wala itong nakuhang title.

Sabi ni Lord Kenneth, kung bibigyan pa raw siya ng isa pang pagkakataon na sumali sa ganitong competition, sasali pa raw siya.

Nandiyan naman daw ang suporta sa kanya ng kanyang ate na si Nathalie. Hindi nga lang ito nakadalo sa naturang competition na ginanap sa Crossroads sa Quezon City nung isang gabi.

Payo raw sa kanya ng kanyang ate Natalie; “Just go with the flow. Makakamit mo lahat na pangarap mo, magtiwala ka lang sa Diyos.”

Ang nagwaging Mr. Grand Philippines 2018 na magiging representative ng ating bansa sa Mr. Grand International 2018 na gaganapin din sa ating bansa ay si David Simon Reyes ng Makati City.

PAK: Ngayong araw ang dating ni Joel Cruz mula Amerika at nakatakda itong isampa ang karagdagang kaso laban sa Brunei-based businesswoman na si Ka­thelyn Dupaya.

Humarap sa press ang abugado ni Joel na si Atty. Ferdie Topacio nung Sabado, June 2 ng tanghali para i-announce na magsasampa sila ng kasong libel laban dito kay Dupaya.

Kasama niyang magdidemanda si Ynez Veneracion na kasong libel ay cyber-crime ang irereklamo sa dating kaibigan at business partner.

Ipinakita ni Ynez ang print-out ng mga text messages ni Dupaya sa kanya na pawang pagmumura raw at pagmamalait sa pagkatao niya.

Si Joel Cruz naman ay pinagbintangan ni Dupaya na mga expired na pabango raw ang nabili niya worth 2M mula sa perfume magnate.

Pati ang pagbabayad sa income tax ay may ibinintang pa si Dupaya na pinabulaanan ito lahat Atty. Topacio.

Bukod sa libel, ay may kasong estafa pang isinampa si Joel, at ibinunyag din ni Atty. Topacio na meron pa palang mga kasong hinaharap itong nabanggit na businesswoman.

BOOM: Maaring huling statement na itong ipinost ni direk Mike de Leon na nagpaalam na sa bida ng Citizen Jake na si Atom Araullo.

Binanggit pa niyang “May we never cross each other’s path again.”

Mahaba ang hanash ni direk Mike sa alitan nila ni Atom, at bahagi ng mensaheng gusto niyang ipara­ting kay Atom; “And so my only warning to AA as we say goodbye or good riddance to each other is this.

“Your life is still a closed book. Be careful my friend, because people are now dying to force it wide open. I wonder why.

“Goodbye, Atom Araullo. I have my film and you have your Marawi/Mcdo/Bakwit commercial.

“I am confident that both will stand the test of time, may we never cross each other’s path again, not here, nor in the afterlife.

“But wait, we both don’t believe in that, so never,--your director and the creator of Citizen Jake, Mike de Leon.

“BTW, get rid of your manager, he’s bad news.”

Ayaw na lang mag-react ng manager ni Atom na si Noel Ferrer sa patutsadang iyun ni direk Mike.

Hayaan na lang daw. Pero maraming mga kaibigan si Noel na mga artistang nakatrabaho ni direk Mike na tumawag sa kanya.

May mga kanya-kanya silang kuwento sa karanasan nila kay direk Mike, na ang napapansin nila mga artistang lalaki lang naman daw nito ang nakakaenkuwentro niya. Sa mga artistang babae, wala namang ganung isyu.

Namamalisyahan tuloy itong mga di magagandang sinasabi ni direk Mike kay Atom.

May ilan ngang memes na naglalabasan at pinaglalaruan na lang ang isyu ng dalawa.

MIKE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with