Cristalle napaaga ang panganganak, Scarlet Snow tita na agad!
Congrats kay Cristalle Belo at sa kanyang mister na si Justin Pitt dahil proud parents sila ng isang bouncing baby boy.
Via caesarean section ang pagsilang ni Cristalle kay Hunter James sa Makati Medical Center noong Lunes, May 28.
Nasorpresa ako sa early delivery ni Cristalle dahil nang magkausap kami nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr., noong May 8 sa Manila House, nabanggit nila na July 2018 pa ang inaasahan na pagsisilang ni Cristalle sa panganay nito.
Nang unang mapabalita na buntis si Cristalle, June ang expected na due date niya pero nanganak na nga siya noong Lunes kaya certified tita na si Scarlet Snow Belo.
Sure ako na cute na cute na baby si Hunter James dahil maganda ang combination ng kanyang Pinay mother at Australian father.
Negosyanteng naka-base sa Brunei, iniisa-isang sumbatan ang mga artistang nabiyayaan
Sino ang mag-aakala na magiging mortal enemies ang former BFF’s na sina Kathelyn Dupaya at Sunshine Cruz?
Nakita ko na magkasama ang dalawa sa domestic airport nang pumunta ako noon sa Siquijor.
Walang-wala sa hitsura nila na darating ang araw na mag-aaway sila dahil sa claim ni Sunshine na malaki ang utang sa kanya ni Dupaya.
Mukhang hahantong sa korte ang imbyernahan ng dalawa dahil sa banta ni Dupaya na idedemanda niya ng libel si Sunshine.
Hindi isolated case ang nangyari sa friendship nina Dupaya at Sunshine dahil marami sa mga artista na magkakaibigan ang isinusumpa na ang isa’t isa nang magkaroon sila ng problema sa datung.
Ang balita ko, afraid ang ibang mga artista na nakinabang kay Dupaya at dinala nito sa Brunei dahil any moment, baka maging another Sunshine Cruz sila. I’m sure, naloka ang mga artista nang mapanood nila sa TV ang interbyu kay Dupaya na inisa-isa ang lahat ng mga naitulong niya sa kanyang ex-BFF.
Matindi ang akusasyon ni Dupaya na expired ang mga pabango na ipinadala ni Joel Cruz sa Brunei para sa kanilang joint business.
Ang sabi ni Dupaya, worth P2 million ang expired perfumes ang ipina-deliver ng Lord of Scents sa tindahan niya sa Brunei.
I’m very sure, may sagot si Papa Joel sa bintang ni Dupaya.
Kailangan ni Dupaya na depensahan ang sarili dahil si Papa Joel ang unang nagdemanda sa kanya. At dahil nakasampa na ang kaso sa korte, dito na lamang ipagtanggol ni Dupaya ang sarili. Ang korte ang proper venue, hindi ang media.
Bibeth Orteza malaki ang responsibilidad sa Tofarm
Tanggap ni Bibeth Orteza na hindi matatapos ang mga responsibilidad niya bilang festival director ng ToFarm Film Festival hanggang hindi naidaraos sa September 2018 ang filmfest na ipinagkatiwala sa kanya ni Dra. Milagros How, ang founder ng nasabing filmfest.
Hindi ako nagkaroon ng chance na makilala nang personal si Dra. How dahil umalis na ako nang dumating siya ng 1:30 pm.
In fairness to me, ako ang earliest bird sa presscon ng ToFarm Film Festival noong Martes dahil 11 am ang imbitasyon pero nasa venue na ako bago mag-alas onse ng umaga.
Lalo akong na-curious kay Dra. How ng ToFarm nang malaman ko na isa siyang doctor. Hindi ko lang alam kung ano ang Dr. sa pangalan niya, doctor of medicine, doctorate or whatever, pero the mere fact na merong Dr. na nakakabit sa pangalan niya, di ba lalong dapat na nasa oras ang pagdating niya kapag meron siyang affair o kausap?
Di ba mahalaga ang oras sa isang doktor at abogado dahil konting minuto na late ka, puwedeng matsugi ang pasyente mo or matalo ang kaso sa korte ng kliyente mo?
Time is so precious na dapat igalang ng kahit sino, mahalaga ito na hindi na puwedeng ibalik kapag nawala.
Gusto ko lang naman na i-point out ito kay Dr. Mila How dahil pinag-uusapan ng lahat ang pagiging late niya sa tuwing may okasyon o may mga ka-meeting siya.
Ayoko naman na masira siya dahil ito ang reputasyon niya. So, sana, next time pag nagkaroon siya ng presscon, tingnan niya ang oras ng invite para hindi na siya late-comer.
Buti na lang mababait ang mga tao sa paligid niya like Bibeth Orteza at Direk Joey Romero, ang mga PR niya na sina Mel Navarro at Allan Diones or else, horror stories ang pag-uusapan habang hinihintay siya, hindi ang ToFarm Film Festival.
- Latest