Parang TV lang, gamit sa mukha ni Rhian HD na rin
Congrats kay Rhian Ramos dahil siya ang first celebrity endorser ng M&Co.Cosmetics na business ni Alexandra Roque, ang eldest daughter ng mga BFF ko na sina Gunn at Chris Roque, ang may-ari ng Kamiseta Boutique Hotel at Kamiseta Skin Clinic.
Sounds familiar ang M&Co. dahil ito ang clothing company na isa sa mga business ng Roque couple at ang mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado ang mga endorser nila noon.
Si Alex na ang in-charge sa M&Co. at dahil mahilig siya sa mga lipstick at make up, ginawa niya na cosmetics line ang clothing company ng kanyang mga magulang.
Masaya si Alex dahil mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanyang cosmetics line na very affordable ang presyo pero high end ang quality.
Naloka nga si Rhian nang malaman nito na P199 lang ang presyo ng mga sosyal na lipstick ng M&Co.at P499 ang pinaka-expensive.
Si Rhian ang favorite actress ni Alex kaya nagpatulong ito sa akin para makuha niya ang serbisyo ng aktres na hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang offer na maging celebrity ambassador ng M&Co.Cosmetics dahil bumilib siya sa mga produkto na ipinakita sa kanya.
Ginamit ni Rhian sa mga eksena niya sa The One That Got Away ng GMA 7 ang mga make up ng M&Co.Cosmetics.
Marami ang nakapansin sa lipstick ni Rhian na kakaiba ang kulay at pansin na pansin sa TV dahil HD or high-definition ang quality. Imagine, pati ang mga lipstick, HD na rin?
Highly-recommended ni Alex sa mga artista ang HD lipstick ng M&Co. para lalong lumutang sa television at wide screen ang mga beauty nila.
Ipinakilala si Rhian bilang celebrity endorser ng M&Co.Cosmetics noong Saturday night sa Grand Ballroom ng isang sosyal na hotel sa Parañaque City.
Dumalo sa big launch ng M&Co. Cosmetics ang lahat ng dealers ng Vantage International na mesmerized na mesmerized sa kagandahan ni Rhian. Sina Papa Gunn at Chris ang may-ari ng Vantage International at ang M&Co.Cosmetics ang isa sa mga kompanya nila.
Marian, Erwan, at Angel wanted sa premiere night
Tonight na ang red carpet premiere ng Sid & Aya (Not A Love Story) sa Cinema 7 ng Trinoma.
Siyempre, dadalo sa premiere night ng Sid & Aya ang lead stars ng pelikula, sina Anne Curtis at Dingdong Dantes.
Hindi ako magtataka kung isasama ng dalawa ang kanilang mga asawa, sina Marian Rivera at Erwan Heussaff na siguradong curious din na malaman ang kuwento ng pelikula ng kanilang mga dyowa.
Ang hirap kasi na hulaan ang kuwento ng Sid & Aya dahil limitado ang sharing in the city nina Dingdong, Anne at ng direktor na si Irene Villamor.
Nakadagdag sa curiosity ng mga tao ang pralala na hindi love story ang Sid & Aya dahil kung hindi ito isang love story movie, lalong hindi fantasy ang unang movie team up nina Dingdong at Anne.
Pati ang co-producer na si Neil Arce, tikom din ang bibig. Basta ang sabi ni Neil, sobrang ganda ng pelikula na napanood niya dahil co-producer nga siya ng Viva Films.
Malay natin, baka umapir din si Angel Locsin sa premiere ng Sid & Aya bilang suporta kay Neil na alam ng lahat na current inspiration niya.
- Latest