Nanay ni Rufa Mae namatay
Nasabay sa kanyang birthday
Malungkot ang singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil two days bago dumating ang kanyang ika-40thbirthday ay sumakabilang-buhay ang kanyang ina na si Mommy Carol. Ang mommy ni Rufa Mae ay binawian ng buhay last May 26. Rufa Mae turns 40 today, May 28.
Ulila nang lubos si Rufa Mae sa mga magulang. Siya bale ang panganay sa pitong magkakapatid.
Ipinagpapasalamat ng singer-actress-comedienne na inabutan ng kanyang namayapang ina ang kanyang pagpapakasal at pagkakaroon ng supling.
Livelihood project ng TESDA at NHA higit 4,000 ang matutulungan!
Ibinalita sa amin ng beauty czar at philanthropist na si Mader Ricky Reyes na isang malaking tagumpay ang unang launch ng Angking Galing Mobile Livelihood Caravan na joint project ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pinamumunuan ng Director General na si Sec. Guiling `Kuya Gene’ Mamomdiong at National Housing Authority (NHA) na pinangungunahan naman ng General Manager na si G. Marcelino Escalada, Jr. na ginanap sa Smokey Mountain in Manila nung nakaraang Sabado, May 26 ng umaga.
Ito’y dinaluhan din ng iba’t ibang mga kilalang personalidad ng iba’t ibang siyudad ng Metro Manila tulad ni dating Pangulo at ngayon ay Mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada, ang kanyang dating vice mayor at ngayon ay undersecretary ng DSWD, ang actor-public servant na si Isko Moreno, Quezon City VM Joy Belmonte, Taguig Mayor Lani Cayetano, ang First Lady ng Caloocan City na si Edna Malapitan, ang First Lady ng Pasay City na si Edna Calixto, Mayor Cecilio Hernandez ng Montalban, Rizal, Usec. Martin Dino ng DILG Barangay Affairs, Cenon Querubin (TESDA Regional Director) at iba pa.
Ang joint livelihood project ng TESDA at NHA ay inaasahang magbi-benefit ng 4,200 beneficiaries mula sa iba’t ibang mahihirap na lugar tulad ng Smokey Mountain sa Maynila, Bagong Silang sa Caloocan City, Welfareville sa Mandaluyong, Montalban Rizal Resettlement, Dagat-Dagatan sa Navotas City, Maricaban sa Pasay City, National Bilibid Resettlement sa Muntinlupa, San Jose del Monte at Payatas sa Quezon City.
Ang Angking Galing Mobile Livelihood Project ay magbibigay ng onsite training at bawat participant ay tatanggap ng starter kit at P100 piso isang araw during the training. Ang kanilang matutunan during the training ay magagamit na nila na makapagtrabaho o di kaya makapagsimula ng sarili nilang maliit na negosyo.
- Latest