^

PSN Showbiz

Tito Sen pahinga muna sa pagiging komedyante

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Tito Sen pahinga muna sa pagiging komedyante
Sen. Sotto

Pansamantala munang hindi ma­pa­panood sa longest-running noontime show na Eat Bula­ga ang isa sa mga haligi at original hosts ng nasabing programa ka­sama ang kanyang nakababatang kapatid na si Vic “Bos­sing” Sotto at barkadang si Joey de Leonmatapos siyang mahalal na bagong Se­nate President nung nakaraang Lunes, May 21 kapalit ng dating Senate President na si Sen. Aqui­lino “Koko” Pimentel.

Bilang bagong Senate Pre­sident, tututukan muna ni Tito Sen (tawag sa kanya ng mga taga-showbiz) ang kanyang bagong mandate.

Jameson super in demand

Ang twenty-year-old Fil-Am ex-PBB housemate-turned actor-dancer Jameson Blake ay isa na nga­yon sa mga in-demand young actors sa kasalukuyan.

Sampung taong gulang pa lamang siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Naiwan sa Hong Kong (kung saan siya ipinanganak) ang kanyang American dad at sumama naman siya sa kanyang Filipina mother na umuwi ng Angeles City, Pampanga.

Ang kauna-unahang movie project ni Jameson, ang 2 Cool To Be 4gotten na kalahok sa 2016 Cine­ma One Originals Festival ay naghatid sa kanya ng kanyang kauna-unahang Best Supporting Actor Award. Ang nasabing pelikula ay tinampukan din nina Khalil Ramos at Ethan Salvador na sinulat ng writer-director na si Jason Paul Laxamana at dinirek ni Petersen Vargas.

Jameson was also signed up to a multi-picture contract ng Regal Films at nakakatatlong pelikula na siya sa nasabing film outfit – ang Haunted Fo­rest in 2017.  Earlier this year ay ipinalabas naman ang Mama’s Girl habang showing  ngayon sa mga sinehan nationwide ang So Connected na pinagtatambalan nila for the very first time ni Janella Salvador mula sa direksiyon  ni Jason Paul Laxamana.

Samantala, dream come true para kay Jameson na makapareha sa pelikula ang kanyang crush na si Janella Salvador sa pelikulang So Connected na nagbukas sa mga sinehan last Wednesday, May 23.

Ian, sabik maka-trabaho sina Nora at Boyet

Nagpapasalamat ang actor na si Ian de Leon na siya’y napasama sa sinusubayba­yang late afternoon TV series ng Kapamilya Network, ang Blood Sisters na tinatampukan ng isang powerhouse cast sa pangunguna ni Erich Gonzales.

Hindi ikinakaila ni Ian na matagal na niyang pangarap na mapasama sa isang teleserye kahit alam niyang kinamumuhian ang kanyang character bilang isang kontrabida.

Hindi rin makakalimutan ni Ian ang kanyang two-week guest appearance sa FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Being a family man, umaasa si Ian na mas magiging busy at visible siya sa mga darating na araw dahil pangarap din niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang three-year-old son na si Jaden.

Natutuwa rin si Ian na pare-pareho silang busy ngayon sa magkakaibang project sa telebisyon ng kanyang mom (Nora Aunor), dad (Christopher de Leon) at mga kapatid na sina Lotlot at Matet de Leon.

Hindi rin ikinakaila ni Ian na pangarap niyang makatrabaho ang kanyang estranged parents at mga kapatid sa TV o pelikula kahit sa magkakahiwalay na proyekto.

SENATE PRESIDENT TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with