^

PSN Showbiz

Sikat na Korean Stars at mga pasyalan sa South Korea, ginalugad ni Marie

Pilipino Star Ngayon
Sikat na Korean Stars  at mga pasyalan   sa South Korea, ginalugad ni Marie

MANILA, Philippines — Malayo man ang South Korea sa Pilipinas, nai­pag­lalapit naman ang dalawang bansa ng pagmamahal sa musika, pag-ibig, pagkain, at pagpapaganda. Ito ang natutunan ng ABS-CBN reporter na si Marie Lozano sa kanyang pagpasyal sa South Korea para sa dokumentaryong  Hallyu and I ng ABS-CBN DocuCentral na mapapanood ngayong Linggo (Mayo 20) sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Samahan si Marie sa pagbisita sa mga lugar kung saan kinunan ang mga sikat na Korean drama series tulad ng Goblin, na dalawang beses ipinalabas sa ABS-CBN. Makakapanayam pa niya ang Korean superstar na si Lee Dong-Wook, na gumanap na Grim Reaper, pati na rin mga kilalang K-Pop artists.

Bukod sa magandang tanawin sa South Korea tulad ng Gangwon,  ipapakita rin ni Marie ang mga putahe sa bansa mula sa mga tradisyunal na inihahain sa mga hari at reyna hanggang sa simple at modernong kombinasyon ng beer at manok.

Itatampok din ang mga uso ngayon pagdating sa pagpapaganda at pananamit sa pagpunta ni Marie sa shopping district na Myeongdong.

Ang Hallyu and I ay produksyon ng DocuCentral ng ABS-CBN Integrated News sa tulong ng Korea Tourism Organization.

Nais ng dokumentaryo na maintindihan ang tinatawag na Hallyu phenomenon sa mundo na nagsimula pa noong ‘90s, at malaman ang dahilan kung bakit patok ang K-drama at K-Pop sa mga Pilipino.

GANDANG GABI VICE

MARIE LOZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with