^

PSN Showbiz

Pilipinas bidang-bida, spotlight country sa cannes!

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Pilipinas bidang-bida, spotlight country sa cannes!

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagsuporta ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para i-promote ang Philippine Cinema. Pinangunahan ng FDCP ang Filipino delegations sa Cannes International Film Festival at Cannes Film Market (Marche Du Film) na nagsimula noong May 8 na tatagal hanggang May 19, 2018 sa France.

Ipi-feature ng prestihiyosong film festival sa kanilang short film competition ang pelikulang Judgement ni Raymund Ribay Gutierrez. Ang nasabing pelikula ay tungkol sa inang si Joy na inaabuso ng kanyang asawang si Dante.

Nominado rin sa Best Short Film ang pelikulang Imago ni Raymund sa Cannes.

Magpi-premiere rin ang restored ver­sion ng 1982 French-Filipino film na Cinq et la Peau (Five and the Skin) sa Cannes Directors’ Fortnight. Ang buong pelikula na kinunan sa Pilipinas ay tinatampukan nina Gloria Diaz, Bembol Roco, Philip Salvador. Nai-feature na rin ito sa Cannes’ Un Certain Regard, 36 taon na ang nakalilipas.

Tampok din ang award-winning Filipino short film director na si Carlo Manatad bilang  participant sa Cinefondation’s Atelier. Si Carlo at ang kanyang producer na si Armi Cacanindin ay ang tanging Filipino na kalahok sa nasabing programa.

Samantala, magho-host naman sa Cannes Film Market ang FDCP ng Philippine Pavilion na magtatampok sa 18 Filipino production companies with contents and projects open for collaboration and international distribution.

“Philippine Cinema is at its one hundred years and we are really exci­ted because we get to bring the celebration to Cannes. Cannes has played such an important part in the promotion of Philippine Cinema worldwide, taking notice of our legendary filmmakers from Lino Brocka and Ishmael Bernal in the 70’s to today’s Brillante Mendoza, Raymond Red, Adolf Alix and the many Filipino filmmakers making waves in the Festival. At the same time, Marche Du Film has been a great platform for our producers to be exposed to the world of global co-production and distribution. Because of that, we really want to maximize our annual participation especially this year to both the Festival and the Market,” paliwanag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Masaya ring ibinalita ng FDCP na sa unang pagkakataon, ang Pilipinas ang siyang magiging Spotlight Country sa Cannes Producers Network, isang industry event na nagpa-facilitate ng koneksyon sa mga producer na nag-eengganyo sa posibleng international co-productions.

Bilang Spotlight country, magkakaroon ng chance ang bansa na i-showcase ang pinakamagagaling na producers na sina Alemberg Ang (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, 2 Cool 2 Be 4gotten, Ang Larawan), Armi Rae Cacanindin (Kusina, I’m Drunk I Love You, Jodilerks Dela Cruz, Employee of the Month), Pedring Lopez (Binhi, Nilalang, Dark Room), Sheron Dayoc (Halaw, Children’s Show, Women of the Weeping Ri­ver) at Bianca Balbuena (That Thing Called Tadhana, Hele Sa Hiwagang Hapis, Ang Panahon ng Halimaw).

Featured din sa Spotlight event ang Cannes Best Director 2009 na si Brillante Mendoza, Palm d’Or Short Film 2000 winner Raymond Red, and FDCP Chairperson Liza Dino bilang guests of honour.

CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

LIZA DIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with