Speed, Globe Studios, FDCP at wish sanib-pwersa sa 2nd eddys
Mas malaki at pabobonggahin ang gaganaping 2nd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) this year. Ito ay matapos makipag-sanib pwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa malalaking pangalan sa industriya ng show business para sa pinakaaabangang 2nd Eddys na gaganapin sa Hulyo.
Sa ilalim ng direksyon ni Paolo Valenciano, inaasahang mas magiging exciting ang ikalawang pagbibigay parangal ng SPEEd sa mga mahuhusay na artista at de-kalidad na pelikula na ipinalabas noong 2017.
Ang Globe Studios ang major presenter ng 2nd Eddys’ Choice habang ang fastest growing FM station na Wish 107.5 ang bubuo at hahawak sa production ng event.
Bago ang awards night, magkakaroon ng Nominees Night sa ?June 3, 5 p.m., sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.
Makakatuwang ng SPEEd sa Nominees Night ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairman and CEO Liza Dino.
Dito ibibigay ng mga opisyales ng SPEEd at FDCP ang certificates of nomination sa lahat ng mga nominado.
Kaabang-abang din ang special screening ng dalawa sa nominadong Best Film, ang Deadma Walking at Birdshot, sa Cinematheque Center Manila sa ?May 26 at ?27, 6 p.m.
Magkakaroon muna ng two-day filmmaking seminar-workshop ang SPEEd kasama ang FDCP at Globe sa Cinematheque Center para sa film enthusiasts at “play it right” anti-piracy campaign ng higanteng telecom company.
Sa ?May 26 (9 a.m.- 12 noon), tatalakayin ang aspeto ng Musical Score kasama si Teresa Barrozo; at Sound Design (?2 p.m. - 5 p.m.) kasama si Immanuel Verona.
Sa ?May 27 (9 a.m.- 12 noon), magkakaroon ng workshop sa Acting kasama si Anthony Falcon; at Cinematography (?2 p.m. - 5 p.m.), sa pamamahala ni Rain Yamson II.
At pagkatapos ng awards night, gaganapin ang bonggang after-party na tatawaging The Eddys Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.
Kamakailan ay ginanap ang synergy meeting ng 2nd Eddys kasama sina Globe Senior Vice President Yoly Crisanto, Globe campaign specialist Lui Almoite, OneMega Group EVP Archie Carrasco at Mimi Miciano ng Wish 107.5 (Project Manager).
Pinag-usapan na sa nasabing meeting ang gagawing paghahanda para sa mas malaking 2nd Eddys.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga editor ng national daily tabloid at broadsheet. Narito ang bagong set of officers at members ng SPEEd: Ian F. Fariñas (People’s Tonight), President; Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), External Vice President; Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa) Internal Vice President; Maricris V. Nicasio (Hataw), Secretary; Gie Trillana (Malaya Business Insight), Asst. Secretary; Dinah Ventura (Daily Tribune), Treasurer; Dondon Sermino (Abante), Asst. Treasurer; Dindo Balares (Balita), PRO; Ervin Santiago (Bandera), Asst. PRO; Rohn Romulo (People’s Balita), Auditor.
Board Members: Jojo Panaligan (Manila Bulletin); Rito Asilo (Philippine Daily Inquirer). Council of Founding Members: Isah V. Red (The Standard); Eugene Asis (People’s Journal) and Adviser, Nestor Cuartero (Tempo).
- Latest