Kobe nakakatunaw ng puso ang Mother’s day message kay Jackie!
Lumitaw ang sweetness ni Kobe Paras sa Mother’s Day message niya kahapon para sa kanyang nanay na si Jackie Forster.
Marami ang nag-melt ang puso sa tribute ni Kobe kay Jackie pero hindi sila makapag-comment dahil deactivated ang comment sa Instagram account ng bagets na feeling complete bilang okey na okey na ang relasyon nila ng nanay niya.
Ito ang Mother’s Day message ni Kobe para kay Jackie na nakapagpaiyak sa ibang mga nanay at sa followers nila.
“Happy Mother’s Day to my best-friend, twin, shopping buddy, other half, super mom!! I have never felt so complete in my life. (If you know me, you’ll understand.)
“Being able to call you my mother is the best thing ever! I am so grateful that God has blessed me with the best mother in the whole universe.
“I just want to thank you for never giving up on me or kuya, for always fighting for us, and for always praying for our well being.
“You have the strongest heart, the most beautiful mind, the most charming personality, and the prettiest frickinnnnn face in the world!!!! (My momma is a damn beauty queen, man. Like for real for real).
“But anyways today is your special day and I just to say that I love you so damn much! I will never ever let you go. Ever.
“You’re my inspiration and my motivation, mama.
“Happy Mother’s day, ma!”
Cheng naging payapa ang paglisan
Naririto na pala sa Pilipinas si Almira Muhlach kaya nakapunta siya sa cremation ng labi ng kanyang ama na si Alvaro “Cheng” Muhlach noong Sabado nang gabi sa Heritage Park sa Taguig City.
Kumpleto ang mga anak ni Cheng sa cremation nito na bilin niya noong alive pa siya.
Naniniwala ang mga anak ni Cheng na masaya ito sa kinaroroonan niya dahil very peaceful ang kanyang mukha. Ang sabi ng Muhlach siblings, ang guwapo-guwapo ng kanilang ama na totoo naman dahil super guwapo si Cheng, lalo na noong bagets pa siya.
Binawian ng buhay si Cheng noong Sabado nang umaga habang naka-confine siya sa St. Luke’s Medical Center. Dinala si Cheng sa ospital noong Friday night dahil dumaing siya ng pananakit ng dibdib.
Ginawa nina Anne at Dingdong ibang-iba
Hindi pa naglalabas ng synopsis ang Viva Films kaya pahulaan at palaisipan ang kuwento ng Sid and Aya, Not A Love Story, ang pelikula nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na showing sa cinemas nationwide sa May 30.
Si Irene Villamor ang writer at direktor ng Sid and Aya pero hindi rin siya nagkukuwento tungkol sa plot ng Dingdong-Anne movie na kinunan sa Tokyo, Japan ang ilang mga eksena.
Ipinapakita na ang full trailer ng Sid and Aya sa mga sinehan pero hindi rin mahulaan ng moviegoers ang kuwento ng pelikula nina Dingdong at Anne na sure na hindi isang love story dahil klarung-klaro ito sa title.
Gladys kakaiba hindi libre ang mga ex deal
May clarification si Gladys Reyes tungkol sa Queen of Ex-Deals na bansag sa kanya.
Hindi naman porke Queen of Ex-Deals ang tawag kay Gladys, libre ang lahat ng mga ex-deal niya sa birthday parties ng anak niya.
Siyempre, may kapalit ‘yon dahil sinusuportahan ni Gladys ang lahat ng mga produkto na ipino-promote niya sa kanyang mga social media account at lifestyle show niya sa Net25, ang MOMents.
Sa totoo lang, hanga ako sa PR ni Gladys dahil ang galing-galing niya sa negosasyon kaya hindi ako magtataka kung siya ang maging manager ng kanyang mga anak kapag nag-decide ang mga bagets na pumasok sa showbiz, balang-araw.
- Latest