^

PSN Showbiz

Production ng Kapamilya Series, sobra-sobra raw ang gastos!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Production ng Kapamilya Series, sobra-sobra raw ang gastos!
Kiko, Julie Anne at Gil

MANILA, Philippines — Na-over budget daw ang ibang programa ng ABS-CBN kaya nagre-reklamo ang production ng ibang programa ng Kapamilya network.

At ang sinisisi umano sa dagdag na gastos sa taping, ang ilang veteran stars na mabagal daw mag-make up.

Yup, ‘yun daw ang nagpapa-delay ng taping dahil nga hindi basta-basta natatawag ang mga senior stars kapag eksena na nila.

Kaya ang ending, makikipag-usap daw ang taga-production ng ABS-CBN sa mga manager ng ilang veteran stars para maayos ang issue ng over budget.

Julie Anne hindi nabigatan kina Kiko at Gil

Bago pala mag-Eat Bulaga mapapanood ang pagbibidahang musical rom-com ni Julie Ann San Jose with Kiko Estrada and Gil Cuerva.

Yes, papalit sila sa Ang Forever Ko’y Ikaw nina Camille Prats and Neil Ryan Sese.

Hindi naman daw kabado ang bida ng My Guitar Princess na tatapatan nila ang Sana Dalawa ang Puso nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap and Robin Padilla.

Masaya raw sila sa taping at good vibes lang lahat, ayon kay Julie Anne.

Kuwento ni Celina Raymundo ang My Guitar Princess who loves to sing and play the guitar pero insecure sa kanyang talent lalo na nga’t ayaw ng kanyang mother (Sheryl Cruz) ang kanyang ginagawa.

Hanggang may na in love sa kanyang dalawang lalaki.

In real life, malabong ma-in love si Julie Ann sa kanyang leading men dahil common knowledge na si Benjamin Alvin ang boyfriend niya.

“Masaya po silang katrabaho. Actually wala akong time na nahirapang magtrabaho with them. Si Gil, nakatrabaho ko na siya before sa mga guesting. Si Kiko, first time naming mag-work together.

“Saka sobrang light ng set namin, on and off cam. Sobrang masaya lang po. Saka marami kaming natututunan sa isa’t isa. Walang araw na mabigat. Kahit pagod kami, parang nawawala ‘yon,” sabi ni Julie Anne sa mediacon ng My Guitar Princess na magsisimulang mapanood sa May 7.

Aside from Sheryl Cruz, importante rin ang role nina Kier Legaspi, Frank Garcia, Maey Bautista, Rob Sy and veteran actress Mui Manansala.

First ever TV series ito sa Kapuso network ni Direk Nick Olanka, who directed the indie films Ronda and Ang Huling Araw ng Linggo.

Bagong sushi lounge sa QC, bukas hanggang madaling araw

Hindi mo na kailangang mag-crave sa mga mo­dern/authentic Japanese food.

May bagong bukas na sushi lounge sa Timog Ave., Quezon City. Ang 81 SEIHAI (seihai means holy grail), that offers a wide array of delectable dishes pero kasya sa inyong budget.

Yup, from the regular office personnel out for a quick, hearty lunch, to the more discerning CEO who’s keen on eating finely plated sushi works of art.

Ito ang kauna-unahang sushi lounge na original concept ng businessman savvy na si Chris Cordero.

Puwede lahat dun, basta ang type mong kainin ay masarap na Japanese food.

Maganda rin ang location, madaling hanapin. Nasa harap na harap lang lang Bambbi Fuentes Salon sa Timog Ave.

Open ito  from 10 am to 2 am.  Oh why 2 am? Because at night, may offer silang cocktails and food, plus live entertainment on select nights, and party music on weekends. How cool is that?

Idagdag mo pa ang tall, dark and handsome nilang chef, si Ronnie De Guzman na mapagkakamalan mong model. Pero 12 years na ang karanasan niya sa mga sikat na Japanese steak houses and sushi bars in New York kaya naman wala ka tiyak ititira pag na-try mo na ang ginawa niya.

Hahaha.

So, don’t forget to write 81 SEIHAI on your where-to-eat list.

JULIE ANN SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with