^

PSN Showbiz

PPP 2018 kasado na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
PPP 2018 kasado na!
Ice at Liza

Handa na ang Film Development Council of Philippines (FDCP) para sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 matapos ang matagumpay na unang taon ng PPP noong 2017. Gaganapin ang PPP sa Agosto 15-21.   

Walong pelikula ang pipiliin ngayon taon na ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa. Walang makakasabay na foreign films na ipalalabas ang PPP.

“PPP was so well-received by our audience last year and we believe that this industry event is worth doing again this year. We are very proud that Filipinos came together to support our own and enjoy our amazing slate of quality genre films,”  sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Dino sa meeting niya kasama ang mga producers noong Abril 4, 2018 sa Salu Restaurant sa Quezon City.  

 “Everybody is looking forward to PPP 2018 and we are working hard to make it even more successful,” dagdag niya. “PPP will also be an opportunity for producers to enhance their experience and learn more about the ins and outs of the industry, from marketing, to booking, and distributing their films,”  dagdag pa niya. 

Ang PPP 2018 ay bukas sa lahat producer na may natapos nang pelikula at maaaring magpasa ng higit pa sa isang (1) entry sa ilalim ng mga sumusunod na criteria:

A. The film should have themes reflective of the Filipino sensibilities  culture with wide audience appeal.

B. The film should have been produced from 2017-2018.

C.  The film must have its Philippine premiere du­ring the Pista ng Pelikulang Pilipino and must not have been previously shown in any format in the country. Films which premiered internationally are eligible.

D. The film should have a minimum of 75 minutes and a maximum of 180 minutes in length.

E.  The film must be submitted with English subtitles.

F.  The producer must have a distributor.

G. The producer must have a marketing plan ready in the event of selection.

Bukas ang FDCP sa pagtanggap ng applications simula ika-20 ng Abril hanggang  Hunyo 15, 2018.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.fdcp.ph at Pista ng Pelikulang Pilipinio facebook page at iba pang PPP social media accounts.

Ice parang panaginip ang pakiramdam sa misis na si Liza

Speaking of Liza, hindi pa rin makapaniwala ang mister niyang si Ice Seguerra na ito ang misis niya.

Nung nakaraang Holyweek ay bumawi sila ng bonding at puring-puring ng singer na kabibitiw lang sa kanyang position bilang chair ng National Youth Commission kung gaano siya kasuwerte sa misis. “Minsan, iniisip ko pa rin kung anong ginawa ko para magkaroon nang kagaya mo. Ito yun eh, yung pinangarap ko na maramdaman. At pinangarap kong makasama ang kagaya mo. To be with you, pucha, parang isa pa ring panaginip. Isang panaginip na ayoko nang magising. Wala na akong kailangan pa, wala nang gusto pa. Andito na lahat, nasa iyo. Higit pa sa kung anong pinagdasal ko. You’re the best wife anyone could ever ask for. I’m blessed I can call you mine,” ang nasabi ni Ice habang nagluluto ang misis na balik sa pagiging abala bilang chair and CEO ng FDCP.

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with