^

PSN Showbiz

Karen nagtagumpay sa reklamo sa Siargao, pero nega rin dahil ‘di binantayan ang anak

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Karen nagtagumpay sa reklamo sa Siargao, pero nega rin dahil ‘di binantayan ang anak

Karen

Tama ang hula, Isabelle lalaki ang first baby!

SEEN: Nagtagumpay si Karen Davila dahil kumilos agad ang mga opisyal ng Siargao para aksyunan ang mga reklamo niya tungkol sa kakulangan ng medical facilities sa isla na pinangyarihan ng surfing accident ng kanyang special son na si David Sta. Ana noong Holy Week pero hindi siya nakaligtas sa mga puna dahil hindi binantayan ng broadcast journalist ang surfing lesson ng anak niya.

SCENE: Magugustuhan ng people from all walks of life ang Never Not Love You dahil tungkol sa wagas na pagmamahalan ang kuwento ng romantic drama movie nina James Reid at Nadine Lustre.

SEEN: Hindi dinaya ang mga eksena nina James Reid at Nadine Lustre sa London dahil nagrenta ang mga producer ng pelikula ng condominium unit na ginamit bilang tahanan nina Gio at Joanne, ang lead characters ng Never Not Love You.

SCENE: Maling-mali ang paulit-ulit na announcement noong Maundy Thursday ng Star FM DJ na si DJ Allen Doug tungkol sa “Holy Week celebration.” Dapat ipasok ni DJ Allen Doug sa kanyang kukote na ginugunita at hindi ipinagdiriwang ang Holy Week. 

SEEN: May bagong commercial si Aling Vicky, ang karakter sa 2001 comedy movie na Baliktaran na naging viral video. Si Al Tantay ang direktor ng Baliktaran at siya ang “discoverer” ni Aling Vicky na binigyang-buhay ni Hermie Go, ang associate producer ng Viva Films.

SCENE: Baby boy ang isinilang ni Isabelle Daza noong April 1. Tama ang mga hula na boy ang gender ng ipinagbubuntis ni Isabelle dahil malaki ang ipinagbago ng hitsura niya. Tumangging magpaultrasound si Isabelle para maging suspense ang gender ng kanilang baby.

SEEN: Ang 18th anniversary concert ni K Brosas sa April 28 sa Kia Theatre. Special guests ni K sa 18K sina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Jaya, Kyla at ang kanyang anak na si Crystal.

SCENE: Si Malou Santos ang producer ng Eerie, ang horror movie na tinatampukan ng kanyang kapatid na si Charo Santos at ni Bea Alonzo. Si Santos ang retired managing director ng Star Cinema. Si Mikhail Red ng critically-acclaimed movie Birdshot ang direktor ng Eerie.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with