^

PSN Showbiz

‘Di Ka Pasisiil dokyu nanguna sa NY Festivals

Pilipino Star Ngayon
‘Di Ka Pasisiil dokyu nanguna sa NY Festivals

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagkilala sa ABS-CBN News pagkatapos makasama ang dalawang dokumentaryo ng ABS-CBN DocuCentral tungkol sa Marawi, na tinutukan at umani ng papuri, sa mga nominado sa prestihiyosong 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films.

Nominado sa kategoryang Current Affairs ang ‘Di Ka Pasisiil episode ng Mukha documentary series ng ANC na gumamit ng mga kuha mula sa giyera at mga panayam kina Jeff Canoy at Chiara Zambrano ng ABS-CBN News na nagbabalita roon.

Nominado naman sa kategoryang Coverage of a Continuing News Story ang dokumentaryong ‘Di Ka Pasisiil na ipinalabas sa Sunday’s Best at nagpakita sa pagbabalik nina Jeff at Chiara sa Marawi upang pakinggan ang mga kwento ng hirap at pagbangon ng mga sundalo at sibilyan doon.

Ang iba pang lalaban para sa medalya sa NY Festivals ang Bandurria episode ng Local Legends (Cinematography) tungkol sa isang eksperto sa paggawa ng tradisyunal na gitara, at ang entry na To Love and To Serve (Station/Image Promotion) ng ABS-CBN Creative Communications Management na nagpahiwatig ng pagmamahal ng isang Kapamilya at ibinahagi ang karangalan ng ABS-CBN na makapagserbisyo sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyo nito.

Bukod sa kanila, nagdala rin ng karangalan sa Kapamilya network si News reporter Michael De­lizo na ginawaran sa unang UP Science Journalism Awards noong Pebrero 17 para sa kaniyang ulat sa bateryang naimbento ng mga mag-aaral na tinanghal na Best Science Story for Radio.

Dahil sa pagkilalang ito ay mas lalong ninanais ni Michael na gumawa ng mga istoryang nagpapakita ng kahalagahan ng agham sa ating buhay.

Kamakailan lang, tumanggap ang ABS-CBN ng ikaapat na Best TV Station award mula sa Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) Student’s Choice Mass Media Awards. Sa 17 awards na iginawad, labing-isa ang naiuwi ng Kapamilya network kabilang ang Best News Program para sa TV Patrol, Best Morning Show para sa Umagang Kay Ganda, at Most Influential Public Service host para sa Failon Ngayon host na si Ted Failon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with