^

PSN Showbiz

Pinay designer pasok pa rin sa Fifty Shades Freed

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Pinay designer pasok pa rin  sa Fifty Shades Freed

Dakota

Ang US-based Filipino fashion designer na si Monique Lhuillier ang napi­ling gumawa ng wedding gown ng character ni Anastasia Steele na ginagampanan ng American actress-model na si Dakota Johnson sa third and final film series na Fifty Shades Freed na nakatakdang ipalabas on February 14, 2018, Valentine’s day. Sa second movie installment na Fifty Shades Grey ay si Monique rin ang gumawa ng gown ni Dakota.

Si Dakota ay anak ng estranged couple na sina Melanie Griffith at Don Johnson.

Pati title walang originality Pelikula nina Barbie at Derrick kopya sa HK film?!

May bagong movie na pinagtatambalan ang dalawang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, ang Almost A Love Story and part of the movie ay kinunan pa sa Italy na pinamamahalaan ni Louie Ignacio.

I wonder if this is a remake ng Hong Kong film na ipinalabas nung November 2, 1996 with the same title, ang Comrades: Almost A Love Story at tinampukan nina Maggie Cheun, Leon Fai, Eric Tsang, at Kristy Yang mula sa direksiyon ni Peter Chan. O magkapareho lamang ang title ng dalawang pelikula.

Coco at Julia hindi talaga mapaamin

Hanggang ngayon ay pareho pa ring “quiet” ang lovelife ng rumored sweethearts na sina Coco Martin at Julia Montes na never pang umamin.

Parehong busy sina Coco at Julia sa kanilang respective career. Katatapos pa lamang ni Coco sa kanyang debut movie, ang Panday na siya rin mismo ang bida, director at co-producer at isa sa box office hit movie ng katatapos pa lamang na Metro Manila Film Festival (MMFF). Nariyan pa ang over two-year-old top-rating ang long-running primetime TV series niya, ang FPJ’s Ang Probinsyano bukod pa siyempre sa kanyang mga product endorsement and personal appearances sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Si Julia naman ay abala ngayon sa kanyang bagong te­leserse sa Kapamilya Network na Asintado. Plano rin niyang magtayo ng isang food business sa taong ito.

Kailan kaya aamin sina Coco at Julia sa totoong estado ng kanilang relasyon?

Action movies nagbabadyang mabuhay

Matagal-tagal na ring “namatay” ang action movies since 1997 at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi ang movie industry. Ito bale ang rason kung bakit maraming mga movie producer noon ang isa-isang nagpahinga sa pagpu-produce ng pelikula.

Pero isa kami sa mga maniniwala na ang industriya ng pelikulang Pilipino ay isang cycle kaya posibleng bumalik ang action movies na sinimulan ni Coco Martin sa pamamagitan ng kanyang box-office hit movie na Ang Panday.

Sa TV, si Coco rin ang nagpa-uso ng action sa kanyang ginagawang TV series at kasama na rito ang long-running primetime TV series na Ang Probinsyano.

Hudyat na nga kaya ito ng muling pagbabalik ng mga action movies?

Ano sa palagay mo, Salve A?

FIFTY SHADES FREED

MELANIE GRIFFITH

MONIQUE LHUILLIER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with