^

PSN Showbiz

Angelica mas mukhang nanay daw kesa kay Juday!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Kabaklaan ni Paolo malinaw ang pagkapirata

SEEN: Mas mukhang nanay si Angelica Panganiban kesa kay Judy Ann Santos sa look test nila kahapon para sa pelikula na kanilang gagawin, ang Ang Dalawang Mrs. Reyes.

SCENE: Co-production venture ng Quantum Films at Star Ci­nema ang Ang Dalawang Mrs. Reyes at mula ito sa direksyon ni Jun Lana. Ang Dalawang Mrs. Real ang pamagat ng teleserye ng GMA 7 noong 2014 at pinagbidahan ito nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes.

SEEN: Si Antoinette Jadaone ang director ng Love You to the Stars and Back, ang launching movie ng loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

SCENE: Dumalo sina Boss Vic del Rosario, Piolo Pascual, Alessandra de Rossi, at Empoy Marquez sa victory party ng Kita Kita noong Martes. Kumita na ng P200 million ang surprise hit movie na co-production venture ng Viva Films at Spring Films.

SEEN: Sa August 23 ang playdate sa ci­nemas nationwide ng Woke Up Like This, ang romantic comedy movie ng Regal Entertainment, Inc. Lead stars ng Woke Up Like This sina Lovi Poe at Vhong Navarro na magkapareha sa isang sa unang pagkakataon.

SCENE: Ang baguhang direktor na si Joel Ferrer ang direktor ng Woke Up Like This. Kahapon ng 4 p.m. ang official trailer launch ng Woke Up Like This.

SEEN: Frustrated rock star ang role ni Bela Padilla sa 100 Tula Para kay Stella, ang official entry ng Viva Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

SEEN: “Nagpaparamdam” ang paratang kay Bb. Pilipinas International Mariel de Leon dahil sa kanyang tweet na “Dyesebel? First time I’ve heard that. No offers but if there was one, I would love to do it after Miss International.”

SCENE: Malinaw na malinaw ang kumakalat na pirated copies ng Die Beautiful, ang award-winning movie ni Paolo Ballesteros. May watermark na RSG Release Team ang mga pirated copy ng Die Beautiful kaya posible na ma-trace ng mga producer ang source.

SEEN: Tinawag na gago ni President Rodrigo Duterte si former President Noynoy Aquino dahil sa sinabi nito na walang nangyari sa kampanya niya laban sa droga. Nagsalita kahapon si Duterte sa 113th Founding Anniversary ng BIR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with