^

PSN Showbiz

Pinay na nakilala sa X-Factor UK, ligwak sa tawag ng tanghalan, Ed Lingao at tulfo brothers kinastigo ng TV5, MMFF Execom biglang nag-resign!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang paglilinaw ni Regine Velasquez na noong 2016 ang actual 30th anniversary ng kanyang showbiz career pero sa October 21, 2017 niya ipagdiriwang sa pamamagitan ng major concert niya sa Mall of Asia Arena.

SCENE: Naging parehas ang TV5 management sa desisyon nila na parehong kastiguhin ang mga nag-aaway na broadcast journalist na si Ed Lingao at ang Tulfo brothers na sina Erwin at Ben.

SEEN: Nilayasan ni Ben Tulfo ang programa niya sa Radyo Singko ng TV5 dahil lumipat at pumirma siya ng kontrata sa PTV4.

SCENE: Binabatikos ang mga hurado ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime dahil natalo noong Biyernes si Ivy Grace Paredes, ang Pinay na gumawa ng ingay sa The X Factor UK at hinahangaan ni Simon Cowell. Hindi matanggap ng supporters ni Paredes na pinaboran ng mga hurado ang kalaban niya na sintunado ang pagkanta.

SEEN: Ang over-confidence ni Ivy Grace Paredes sa pagkanta ang sinasabi na dahilan kaya natalo siya sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Nabulilyaso ang pahayag ni Paredes na “Time to work. Need to defend my title for 10 consecutive days” dahil naligwak agad siya sa Tawag ng Tanghalan.

SCENE: Ang intriguing post kahapon ng direktor na si Erik Matti tungkol sa mga nagbitiw sa tungkulin na miyembro ng Metro Manila Film Festival 2017 Executive Committee:

“Breaking news: 3 Execom members of the new improved but still classic #MMFF2017 resigned yesterday on the same day the first 4 entries that were based on scripts were announced. We haven’t heard any explanations yet from Rolando Tolentino, Ricky Lee and Ms. Kara Magsanoc Alikpala on why they resigned. Why do you think they resigned?”

SEEN: Ang taos-puso na pasasalamat ni Chris Castillo sa ABS-CBN Restoration dahil sa restoration nito sa Tag-Ulan Sa Tag-araw, ang classic movie ng kanyang yumaong ama na si Celso ad Castillo. Sina Vilma Santos at Christopher de Leon ang mga bida sa 1975 movie ni Castillo na idineklara noon ang sarili bilang Messiah ng Philippine Cinema.

SCENE: Gaya-gaya puto maya si Charice Pempengco kay BB Gandanghari na nagsalita noon na patay na si Rustom Padilla. Ginaya ni Charice si BB sa kanyang dialogue na patay na si Charice nang ipakilala niya sa publiko ang kanyang bagong pagkatao, si Jake Zyrus. #WalangOriginality.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with