Aktres nabulungan ng BF, nagpapaka-ingrata na!
Binigyan ng problema ng isang aktres ang kanyang home network. Magtatapos na kasi ang kontrata nito at may option ang network to renew her contract. Noong una, okay sa aktres na mag-renew sa network na nagdiskubre at nag-build up sa kanya.
Pero nitong huli, nagbago ang ihip ng hangin. Sinabi na nito sa network na magre-renew siya ng kontrata but this time, may co-manager siya. Nagulat ang network dahil for the past years, sila lang ang humahawak at nagpapatakbo sa career nito.
Naniniwala ang network na hindi solong desisyon ng aktres ang gusto niya at may feeling sila na may kinalaman dito ang boyfriend ng aktres. May slight connection kasi ang BF ng aktres sa taong gustong maging co-manager niya.
Sayang dahil siguradong maganda ang plano ng network sa aktres lalo’t nag-hit ang nilalalabasan nitong show ngayon. On the other hand, dahil siguro sa hit TV show, kaya may demand na ang aktres.
Lotlot hindi na mapigilan sa international filmfests
Nominated na naman si Lotlot de Leon sa Madrid International Film Festival 2017 sa Best Lead Actress in a Foreign Language Feature Film para sa pelikulang Dagsin.
Bukod sa nomination ni Lotlot, nominated din ang Dagsin sa Best Foreign Language Feature Film, Best Editing of a Foreign Language Film (Jay Ramirez) at Best Costume (Jona Ballaran). Si Atom Magadia ang director ng nasabing pelikula.
Kasama rin sa cast ng Dagsin sina Benjamin Alves at Janine Gutierrez na kung hindi kami nagkakamali ay gumanap na young Lotlot at si Tommy Abuel. Entry sa 2016 Cinemalaya ang pelikula.
Luis pinuri ang mga reporter na nagbubuwis-buhay
Ipinost ni Luis Manzano sa Instagram (IG) ang video kung saan nagre-report si Jun Veneracion ng balita mula sa Marawi City nang may tumilaok na manok at nabigla ito. Akala siguro ni Jun, putok ng baril ang tumilaok, kaya siya nagulat.
Post ni Luis, “Don’t get me wrong, we should all admire the dedication of all news teams from ALL channels giving us information, especially the field reporters putting their lives on the line in dangerous locations, but this is just a too funny vid! And on a very serious note...MABUHAY KAYO lahat ng mga news and current affairs ng channel at radio, salamat sa inyo.”
Sumagot si Jun sa IG ni Luis at sabi nito: “No problem with this post sir, @luckymanzano. Ako rin natatawa sa sarili ko. Sana lang the uploader included the serious part which transpired immediately after the funny moment. All good!”
Sagot uli si Luis na kung may full vid, ipo-post din niya. “God bless sa inyo dyan Sir also the people behind the camera. Salamat sa inyo.”
Jennylyn binansagang Jennifer Aniston
Masaya ang pilot ng My Love From The Star, maingay sa Twitter at pati mga Kapuso star, nakikisali. Si Regine Velasquez nga, pinuri ang galing ni Jennylyn Mercado at nagwapuhan din kay Gil Cuerva.
Nag-trending nationwide at worldwide din. Muling ipinamalas ni director Bb. Joyce Bernal ang husay niya sa rom-com.
Marami ring naging instant fan si Gil Cuerva at siya na ang bagong heartthrob ng showbiz pero yata sa shower scene kaya Strong Parental Guidance (SPG) ang rating.
Pinanindigan ni Jennylyn ang title niyang Ultimate Rom-Com Queen dahil sa husay na ipinakita niya at para sa ibang fans, siya ang Jennifer Aniston of the Philippines.
- Latest