^

PSN Showbiz

Patay na si Hesus ni Jaclyn, mapapanood uli sa InterAksyon Cinema Club

Rodel C. Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala talagang kakupas-kupas ang talento ng 2016 Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose dahil nagpatawa at nagpaluha siya sa black comedy na Patay Na Si Hesus. Maaga siyang dumating sa special advance screening ng nasabing Cebuano film bilang pagbubukas ng InterAksyon Cinema Club noong nakaraan Linggo na ginanap sa Shang Cinema Complex.

Ang nasabing indie film na nag-premiere sa QCinema International Film Festival 2016 na nag-uwi ng Audience Choice Award at Gender Sensitive Film Award ang pasabog ng InterAksyon Cinema Club noong nakaraang May 13.

Maganda ang naisip ng InterAksyon na buuin ang Cinema Club sa pakikipagtulungan sa Shang Cineplex, na alam naman nating tahanan ng iba’t ibang indie filmfests, para makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino. Sa pamamagitan kasi nito mas marami pang indie film sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mabibigyang pansin sa mga sinehan.

“The Cinema Club is aligned with InterAksyon’s mission to tell the story of the Filipino. We support Philippine cinema because we believe in the power of storytelling – particularly when it values truth,” bahagi ng pahayag ni Roby Alampay, Editor-in-Chief ng InterAksyon.

Present at humabol din ang mag-asawang sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino at National Youth Commission (NYC) Chair Aiza Seguerra na suportado talaga ang pagsusulong ng Philippine cinema. Naki-join pa nga si Aiza na nagtanong sa forum after ng screening.

Back to Jaclyn, sobrang galing niya rito dahil sa mga eksena niyang nagpaiyak at nagpatawa kahit walang dialogue. Kuwento niya nang mainterbyu ay nahirapan siya sa pagmamaneho ng manual na van mula Cebu hanggang Dumaguete. Nahirapan din siya sa pagsasalita ng Cebuano kung saan ay nag-workshop pa ang aktres.

Magagaling din ang gumaganap niyang mga anak na sina Chai Fonacier bilang si Jude at isang transman, si Melde Montanez (Jay) na tamad niyang anak, at ang nakakabilib na si Vincent Viado (Hubert) na totoong may Down Syndrome.

Ang kabuuan ng istorya ay umikot sa pagpilit ng single mother na si Iyay (Jaclyn) para puntahan ang burol ng yumaong ama ng kanyang mga anak na si Hesus. Bumiyahe sila mula Cebu pa-Dumaguete sakay ang isang lumang van. Nakakaaliw ang buong pelikula dahil kung hindi ka tatawa ay maiiyak ka lang. Nakakabilib din na ipinakita sa pelikula ang kultura sa probinsya sa Cebu maging ang mga tanawin doon tulad ng mga beach, simbahan, at mga pagkaing lokal.

At bilang may transman na character sa pelikula, nai-reveal ni direk Victor Villanueva sa forum na naimbitahan ang Patay Na Si Hesus sa isang malaking LGBT international film festival sa susunod na buwan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with