^

PSN Showbiz

Aiza at Liza magkatuwang na rin sa PPP!

Rodel C. Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi na lang partners in real life ang mag-asawang Liza Diño at Aiza Se­guerra dahil “partners in crime” na rin silang matatawag maging sa trabaho. ‘My husband’ at ‘love’ pa nga ang tawag ni Liza kay Aiza nang i-introduce nito ang huli para magsalita sa harap ng press sa launching at MOA signing noong Biyernes (May 12) ng partnership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chair Liza at ng National Youth Commission (NYC) kung saan si Aiza naman ang  Chairperson para sa gaganaping

Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Agosto 16-22 kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika katuwang din Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Commission on Culture and Arts (NCCA).

Ang PPP ay proyekto ng FDCP kung saan isang linggong ekslusibong mapapanood ang mga pelikulang Pilipino sa maraming sinehan sa buong bansa.

Noong una nga raw marinig ni Aiza kay Liza ang plano nitong PPP ay gusto niyang maging parte ang NYC. “Through stories gusto kong makita kung ano ang kalagayan ng mga kabataan ngayon,” sabi ni Aiza.

At bilang suporta ng NYC at NCCA, maglulunsad sila ng Cine Kabataan. Isa itong short film competition para sa mga kabataang amateur filmmakers na may edad 18-24 years old.

“Kailangan na mapalawak ang pang-unawa sa damdamin ng mga kabataan. Mahalagang malaman nating lahat kung ano ang kanilang pananaw sa mga kaganapan sa kapaligiran. Kadalasan ay nag-uugat ang ‘di pagkakaunawaan dahil walang pamamaraan para maihayag ang saloobin nila. Ang Cine Kabataan is one great chance and a giant step to acknowledge the youth’s creativity and innovativeness in translating their real life’s journey into a short fim,” paliwanag pa ni Chair Aiza.

Sampu hanggang labindalawang entries ang pipiliing finalists na iaanunsyo sa July 5, 2017. Maaaring mag-submit sa NYC office hanggang sa June 30, 2017. Ang lahat ng finalists na may maximum length of 5 minutes ay ipalalabas kasabay ng PPP counterpart nito sa August 16-22.

May premyong naghihintay sa mananalo sa Cine Kabataan.

Ang MTRCB naman ay isusulong ang Matalinong Panonood Program kasabay ng mga event sa darating na Agosto. Present sa presscon ang Vice Chairperson ng MTRCB na si Direk Emmanuel Borlaza dahil hindi nakarating si MTRCB Chair Rachel Arenas na out of town para sa ilang proyekto naman ng kanilang ahensya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with