^

PSN Showbiz

Coco naiwan ng kapatid sa mga international filmfest!

SANGA-SANGANDILA - Veronica M. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi ang tipo ni Coco Martin ang magpapaapekto nang hindi maganda sa panalo ng kanyang nakababatang kapa­tid na si Ronwaldo Martin na nahirang na Best Actor sa Harlem International Film Festival na ginanap sa New York  para sa pelikula niyang Pamil­ya Ordinaryo. Best Actress naman ang nakatam­bal niya sa movie na si Hasmine Killip.  Wala naman kasing nakikitang ka­taka-taka kung paghambingin ang magkapatid at gawan pa ng intriga. Mas maik­li ang nila­lakbay ng karera ni Ronwaldo kumpara kay Coco pero, mas madali siyang nakikilala.

Ang mahalaga kay Coco ay may pinupuntahan ang karera ng kapatid niya at ang pangyayaring sa kanya iniaalay ang kanyang tagumpay.

Diego kahitsura na ni Cesar

Natutuwa naman ako sa takbo ng karera nga­yon ni Shalala. Sayang at hindi na inabot ng mentor niyang si Kuya Germs ang kumpletong pag-bloom ng kanyang karera. Mula sa pagpapatawa ay nagpapaiyak na siya ng mga manonood ng Mga Pusong Ligaw sa ABS-CBN. I’m sure saan man naroroon si Kuya Germs ay masaya na ito sa kinahinatnan ng alaga niya.

Speaking of Mga Pusong Ligaw, welcome na welcome sa mga manonood ang tandem nina Diego Loyzaga at Sofia Andres. Habang lumalaon ay lalong nakakamukha ni Diego ang kanyang ama. Magandang propaganda siya ng kanyang ama na hindi mahihirapang balikan ang kanyang pag-aartista kapag ginusto niya dahil magandang tagapagpaalala niya sa mga manonood si Diego. Masaya rin na malaman na iniwan na ni Teresa Loyzaga ang kanyang trabaho bilang flight attendant para masamahan at magabayan ang kanyang anak na si Diego.

Pia pang-lalaking name napili sa second baby

Kung marami ang nagsasabing masculine ang pangalang Brooklyn na ipapangalan ni Pia Guanio sa kanilang second baby ni Steve Mago, marami naman ang nagagandahan sa pangalan na naisip ni Pia na ibigay sa kanyang pangalawang anak na babae. Ang panganay kasi ay pinangalanan nilang Scarlet Jenine. Ang Brooklyn ay pangalan ng lugar na nabisita nila ng asawa niya sa New York. 

Janine may gwardiyang aso

From what I can see sa mga plugs na nilalabas ng Legally Blind, feeling ko ay malapit nang malaman ni Grace (Janine Gutierrez) kung ano ang tunay na pagkatao ni William (Marc Abaya).

Dumagdag pa rito ang nakakatawang Instagram post niya showing her dog na pwedeng-pwede raw niya maging guard at pwede pa gantihan ang karakter ni Marc. Kahit kasi sa gym ay sinasamahan siya nito. 

Happy Mother’s Day…

Happy Mother’s Day sa lahat ng katulad kong nanay na binigyan ng napakahirap na responsibilidad ng Diyos na mag-raise ng matagumpay na mga anak. Pero, kasabay ng saya at tagumpay ay nandoon ang kalungkutan na kailangan nating ma­tanggap lalo’t dumating ang panahon na gagawa na rin sila ng sarili nilang pamilya at iiwan na tayo.

Bahagi ito ng buhay na pagdadaanan nating la­hat na mga nanay. Idalangin na lamang natin na ma­ging matagumpay din sila sa sarili nilang pamil­ya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with