^

PSN Showbiz

Dating basketbolista at mister ng artista, nanlilimos na lang!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagkawala ng respeto, awa, at pagkainis ang nararamdaman ng mga nakakakita sa isang kilalang male personality sa kanyang larangan habang nagbabantay na matapos ang trabaho ng kanyang mga dating kasamahan.

Ang mga bagitong dribolero ay naaawa sa kanya, nangangarap pa lang kasing makapaglaro nang propesyonal ang mga ito ay idolo na nila ang male personality, kung paanong naiinis naman sa kanya ang mga datihan na dahil parang iniaasa na lang niya ang kanyang buhay sa panghihingi sa kanyang kapwa.

Naging star player ng kanyang koponan ang basketbolistang ito, kung makalipad siya nu’n ay parang wala nang bukas, ganu’n siya kasikat at katindi nu’ng kanyang kapanahunan.

Pero napasama siya sa grupong hindi nangangarap. Sa mga taong walang pagpapahalaga sa hawak na nilang oportunidad. Hindi maganda ang naging resulta nu’n sa kanyang buhay at career.

“Late siyang dumarating sa practice. Late na nga, wala pa siya sa kundisyon. May mga pagkakataong nganga lang siya, wasted, dahil sa mga bisyong mas binibigyan niya ng priority.

“Kahit gaano pa siya kagaling, kung ganu’n namang wala siyang disiplina, e, talagang matatanggal siya sa kahit saang team!” madiing kuwento ng aming source.

Para na tuloy siyang namamalimos, hanap siya nang hanap ng raket para lang magkadatung, nakakaloka nga dahil pink slip pa lang ang hawak niya sa paggi-guest sa mga shows ay ihinahanap na niya ng mapagpapalitan.

“Napakalayo nu’n sa dating buhay niya na napakakumportable! Naglalaro siya, nagbi-business, maayos ang buhay ng family niya, nag-aaral sa magagandang schools ang mga anak niya!

“Pero sabay-sabay na gumuho ‘yun mula nu’ng magbago na rin ang mga priorities niya. Saan ka naman makakakita ng ganu’n na pink slip pa lang ang hawak, e, ipinapalit na niya ng cash ang talent fee niya?

“The height, ‘di ba naman? Nag-artista pa nga siya nu’n, nagkaroon din siya ng girlfriend na female personality bago sila ikinasal ng wife niyang galing din sa pamilya ng mga artista.

“Sinayang niya ang buhay niya. Ngayon, pabantay-bantay siya sa practice ng mga kasamahan niya, pahingi-hingi ng tulong kahit barya-barya lang daw. Nakakaawa ang hitsura niya.

“Sabi nga ng mga alaskador, e, nasobrahan daw siya sa inom ng gatas, kaya iba naman ang hinanap niya. Nakakaawang basketbolista, maging aral sana sa mga kasamahan niya ang kinauwian ng buhay niya,” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Lola ni Charice vindicated!

Nagpapanggap na lalaki pero nireregla rin naman buwan-buwan. Nagkukunwaring macho pero gumagamit din naman ng pasador kapag dinadatnan. Ganu’n kung ilarawan si Charice Pempengco ng kanyang Lola Tessie Relucio nu’ng katindihan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Kontrang-kontra ang pamilya ng international singer sa relasyon nila ni Alyssa Quijano, popularidad at pera lang daw naman niya ang habol nito, kaya kapag matamlay na ang career ni Charice ay siguradong iiwan din siya ng dalaga.

Mukhang nagdilang-anghel ang lola ni Charice dahil kailan lang ay nag-alsa-balutan na nga si Alyssa, iniwan na siya, malakas ang bulung-bulungan na pera ang kanilang pinagkadipirensiyahan.

Sabi ng isang source, “Matagal na rin kasing walang mga raket si Charice. Ibig sahihin, kung may naiipion man siya, e, paubos na nang paubos ‘yun, dahil walang pumapasok. Na-drain na ang bulsa niya, ayaw niya namang magbaba ng talent fee, kaya ‘yun ang nangyari.”

Kinalaban ni Charice ang mundo para kay Alyssa. Tinalikuran niya ang kanyang pamilya para sa malaya nilang pagmamahalan ng dati niyang kaibigan. Nawalan ng ningning ang kanyang bituin dahil sa paglalantad niya ng tunay niyang kasarian.

Napakaraming dapat puluting piraso ng kanyang buhay at karera si Charice Pempengco ngayong hiwalay na sila ni Alyssa Quijano. Kung paano niya sisimulan ‘yun ay bahala na siyang dumiskarte.

Isang bagay na kapuri-puri sa international singer na ito ay hindi siya makuwenta, hindi siya materyoso, anumang naibigay na niya sa kanyang kapwa ay hindi na niya binibilang.

Nasa wastong edad na si Charice Pempengco para manehohin ang kanyang buhay, may pamilya pa rin siyang mauuwian, hindi kailangang huminto ang ikot ng kanyang mundo sa pagkawala ni Alyssa Quijano.

Laban lang nang laban.

ALYSSA QUIJANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with