^

PSN Showbiz

Monching hindi nagpaplanong pakasalan si Tina Paner!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang si Lotlot de Leon ang nakakita ng bagong glor­ya sa pag-ibig, pati rin ang ama ng apat niyang anak na si Ramon Christopher “Monching”  Gutierrez. Hindi naman naging mahirap maka­hanap si Lotlot ng makakarelas­yon matapos sumemplang ang marriage nila ni Ramon. Hindi naman masasabi na hindi sila nag-try na i-save ito. Katunayan ina­bot pa sila ng kanilang ika-a­pat na anak  bago sila magpas­yang mag­hi­walay. Annulled na ang mar­riage nila, pero civil sila para sa kapakanan ng mga bata na sa kanilang ama napi­ling pumisan.

Malalaki na ang mga anak nila. Si Janine Gutier­rez na matapos ma­ka-graduate ng kolehiyo ay nagpasya ring sundan ang trabaho ng kanyang mga magulang at pasukin ang mundong kanyang kina­lakihan. 

Hindi naman napabayaan ng dating mag-asawa ang kanilang mga anak. Ngayon naman ay tatangkain nilang bumuo ng sariling buhay. Apat na taon nang may karelasyong Lebanese si Lotlot, pero ngayon lamang siya nag-iisip na magpakasal at gawing legal ang kanilang pagsasama. 

Wala man sa agenda ni Monching ang muling pag-aasawa dahil bago pa ang relasyon nila ng isa nilang dating kasamahan ni Lotlot sa That’s Entertainment na si Tina Paner. Pero malay n’yo baka sa pagpapakasal ni Lotlot ay mabigyan din ng inspirasyon si Monching na muling sumugal sa marriage. Anulled na rin si Tina at may isang anak na babae.

Maine nadadagdagan pa rin  ang endorsement

Gustuhin man ng GMA na papaghiwalayin ang AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza,  hindi nila magawa dahil tutol ang napakara­ming tagasubaybay ng pareha. Maaari rin namang totoo na humihina na ang hatak ng dalawa pero hindi ito dapat maging dahilan para bigyan sila ng proyekto na hindi bagay sa kanila. Hiling lamang ng Aldub Nation ay ma­a­lagaan ang pareha tulad ng pag-aalaga na ginagawa ng kalabang istasyon sa kanilang mga sikat na sikat nang Kath­Niel, JaDine, at LizQuen. 

Pero in fairness to Maine at Alden, humi­na man ang pareha nila marami at patuloy ang pagdarag­dag ng endorsements ni Maine at hindi nawawalan ng proyekto bilang solo artist si Alden.

Daniel babawi 

Binalikan ni Bulacan Vice Go­ver­nor Daniel Fernando ang kanyang pag-aar­tista sa pamamagitan ng comeback project nina Kim Chiu at Gerald Anderson na Ikaw Lang ang Iibigin. Role ng ama ni Ge­rald na mukhang pera ang kanyang role.

Apat na taon matapos siyang huling umarte, excited na balikan ng aktor na pulitiko ang kanyang pag-aartista. Ganito katagal inabot ang pagsasaayos niya ng kanyang sked sa Kapitolyo na siyang dahilan kaya hindi siya nakatanggap ng role sa TV man o pelikula. Ayaw niyang may masabing hindi maganda ang mga nasasakupan niya kung kaya binibigyan prayoridad niya ang kanyang trabaho.

Juday mas piniling mag-host kesa makatambal si Richard 

Lumalabas tuloy na parang trying hard si Ri­chard Yap sa hindi na naman pagkakatuloy ng serye nila sa TV ni Judy Ann Santos. Mas pinaboran naman ngayon ng network ang paghu-host nito ng isang game show kaysa paggawa ng teleserye gayung si Juday na rin mismo ang nagsabi na gusto nitong gumawa ng isang light project kaysa isang dramang-drama na gaya nang gagawin sana nila ng tsinitong aktor.

vuukle comment

MONCHING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with