^

PSN Showbiz

Eddie malakas na malakas na uli!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Associated Press
Eddie malakas na malakas na uli!
Eddie Garcia

Ang 80th birthday party ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang unang public appearance ng veteran actor na si Eddie Garcia na nasangkot sa isang vehicular accident.

Back to his old self na si Papa Eddie na malulutong ang mga biro nang i-roast niya si Papa Erap sa birthday celebration nito.

Sinabi ni Papa Eddie na kabilang na siya sa endangered species dahil sa edad niya.

Birthday ni Papa Eddie sa May 2 at turning 88 years old na siya pero matikas pa rin at umaapir sa mga teleserye. Kung nag-retire na ang ibang mga kasamahan niya, active na active pa rin sa showbiz ang multi-awarded veteran actor.

Phoebe naudlot ang pagtitibo

Hindi na matutuloy ang pelikula na pagsasamahan ng sexy star na si Phoebe Walker at ng former Miss International na si Bea Santiago.

Binigyan si Phoebe ng launching movie ng Viva Films, ang Double Barrel pagkatapos niya na mag-win ng Best Supporting Actress trophy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Parehong mga contract star ng Viva sina Phoebe at Bea. Excited pa naman si Phoebe kay Bea dahil ito ang “girl crush” niya. Kung natuloy ang pelikula na pagsasamahan nila, isang tomboyita ang karakter ni Phoebe na maingat na sa pagpili ng mga project dahil hangga’t puwede, iniiwasan na niya ang mga frontal nudity scene.

Steven Silva chef na

Chef na pala ang former Starstruck VI Ultimate Male Survivor na si Steven Silva.

At least, may ibang career na pinagkakaabalahan si Steven na matagal nang hindi visible sa TV mula nang hindi i-renew ng GMA-7 ang contract niya.

Kung hindi pa naglaro kahapon si Steven sa Jackpot en Poy ng Eat Bulaga, hindi malalaman ng publiko na chef na siya at may fallback kung sakaling hindi na sumigla ang takbo ng showbiz career niya.

Dulce nagpaiyak 

Maraming pinaiyak si Dulce sa concert nila kahapon ng Broadway Boys sa Eat Bulaga.

Ang mga timeless composition ng pumanaw na composer na si Willy Cruz ang inawit ni Dulce at ng talented members ng Broadway Boys.

Naging emosyonal si Dulce dahil naalaala niya si Willy at maligayang-maligaya siya sa mga nangyayari ngayon sa singing career ng Broadway Boys.

Ilang beses na naging hurado si Dulce ng Lola’s Playlist singing contest ng Eat Bulaga kaya nasubaybayan niya ang pag-uumpisa ng singing career ng mga bagets.

Napaiyak si Dulce dahil nakikita raw niya sa mga bata ang future ng Original Pilipino Music.

Hindi kumukupas ang galing ni Dulce sa pagkanta dahil sa kanyang powerful voice. Nakaka-proud talaga ang talent ni Dulce na isa sa mga mahuhusay na mang-aawit ng ating bansa.

Edu at Eugene ‘di pa alam kung kailan eere

Sina Jennylyn Mercado, Sunshine Dizon, at Alden Richards ang mga guest noong Huwebes sa pilot taping ng Celebrity Bluff, ang nagbabalik-game show ng GMA-7.

Si Eugene Domingo pa rin ang host ng Celebrity Bluff pero kasama na niya si Edu Manzano bilang Master Bluffer.

Umalis agad si Alden pagkatapos makunan ng mga eksena niya dahil humabol pa siya sa isang event sa Manila na dinaluhan nila ni Maine Mendoza.

Hindi pa sinasabi ng GMA-7 kung kailan ang airing ng Celebrity Bluff pero may balita na mapapanood sa June ang game show nina Eugene at Edu.

EDDIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with